Chapter 19

3.7K 73 19
                                    

Chapter 19

"Ano ba Leks,." sambit nya nang yakapin sya nito mula sa likod habang nagluluto sya.

Nasa kusina sila ngayon at nagluluto ng almusal. Ganito na ang naging routine nila dalawang araw na ang nakakalipas mula ng aminin nila na mahal nila ang isa't-isa.

Masaya sya tuwing nasa tabi nya ito. Halos oras-oras din silang nagkukwentuhan at naghaharutan. Katulad lang ng dalawang taong may relasyon.

Yup,. Officially sila na, at masaya sya sa piling nito. Walang araw at oras na hindi nila ipinapadama ang pagmamahal nila sa isa't-isa.

"Magaling ka palang magluto,." kumento ng binata na nanatiling nakayakap sa kanya.

"Haist! remember back in Paris nagluluto din ako dun,." paalala nya dito.

"Yeah,.feeling ko nga nilagyan mo ng gayuma yung mga niluluto mo e," natatawang asar nito.

"Aba! baka nga ikaw ang gumawa nun e, yung iniwan mong gamot nung una tayong magkita nung lasing ako, baka may gayuma nga yun e," giit nya na ikinatawa na lang nila.

"Leks,." tawag nya dito.

"Hmm,." tugon nito habang nakapatong ang baba nito sa isang balikat nya habang nanonood sa ginagawa nya.

"Ilan kaming babae mo?" seryoso nyang tanong.

"Seriously?" anito na hindi makapaniwala sa tanong nya.

"Of course, para alam ko naman. Alam mo na Ex ko si Jayson so I should know too kung sino ang mga babaeng nagdaan sa buhay mo," sambit nya.

"Hmm,.Nope. Wala. Wala akong naging karelasyon maliban sayo." Napalingon sya sa sinabi nito at tinitigan ito sa mga mata.

"Yung totoo?" pagpupumilit nya.

"I had a flings, pero hanggang dun lang yun wala akong sineryoso maliban sayo," Nakita naman nya nanagsasabi ito ng totoo kaya napangiti sya.

"Good, baka mamaya may anak ka pala sa iba mahirap yun," natatawang iling nya at bumalik sya sa pagluluto.

Nagvibrate ang cellphone ni Alex na nakapatong sa lamesa kaya agad nito kinuha iyon. Napatingin ito sa kanya at bakas ang pangamba sa mukha nito.

"What? may problema ba?" alalang tanong nya dito. Pinatay nya muna ang apoy sa niluluto tsaka muling hinarap ito.

"Kase---"

"Hey yow! wassup!" nagulat sila ng may sumigaw galing sa salas kaya agad silang pumunta doon.

"Wayne?" banggit ni Alex sa pangalan nito.

"Yow! Namiss ko namen," Agad na yumakap ito kay Alex.

Mukha itong koryano, dahil sa mga singkit nitong mata, ayos ng buhok, pananamit, kulay ng balat at higit sa lahat may accent ito magsalita.

"Sinong kasama mo?" Seryosong tanong nito sa bisita.

"Me? kasama? Oh, it's Snake," anito.

"A-Ahas?" paglilinaw nya.

"(What?)" hindi nya naintindihan ito.

"Pasensya na may saltik lang talaga yung taong yan," biglang sambit ng isang lalake na seryosong nakatingin sa kanila na nakasandal sa pintuan ng mansyon.

"Snake?" ani Alex sa lalake.

"Pasensya na at naistorbo ka namin," lumapit at yumakap ito sa binata," dito muna daw kami magtraining sabi ni Jalx," anito.

Nang magkalas ay napatingin ito sa kanya," Snake, Jyou Snake." Pakilala nito at nilahad ang kamay sa kanya.

"Catherine Sales," nakangiting pagtanggap nya sa kamay nito.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Where stories live. Discover now