Chapter 12

5.3K 88 22
                                    

Chapter 12

Iniwan nyang kumakain pa si Cath sa kusina, matapos nya itong ipagluto ng hotdog na ini-request nito sa kanya kanina.

Hindi nya alam pero nakita nyang nakasimangot ito kanina habang nagluluto sya pero ng matapos syang magluto ay magana itong kumain na parang aagawan ito.

'Haist!' Sa ilang araw nilang magkasama dito sa Paris nakilala nya ng lubusan ang dalaga, pero hindi iyon sapat ngayon pa at matatapos na ang pagsasama nila sa iisang bubong, 'Ow, that came up wrong', pero napangiti sya sa isipin nya at gusto nya ang tunog niyon pero matatapos na iyon dahil uuwi na sila ng pilipinas sa biglaang desisyon nya.

Kailangan na naman nyang gumawa ng paraan para makasama ulit ito, pero paano?

Naiiling na lang nyang kinuha ang cellphone nya dahil tatawagan nya ngayon si Nikos kung andito pa ito sa Paris. Tsaka na nya ito iisipin pag kauwi nila.

Sa ngayon kasi gusto na muna nyang makawala sa lugar na ito, hangga't malapit sya sa pamilya nya. Or should he say, 'umampon sa kanya'. Hanggang ngayon kase ay hindi pa nagsi-sink-in sa utak nya na sya ang totoong ampon at hindi ang kuya nya.

Inaamin nya sa kaloob-looban nya na nasasaktan parin sya sa mga na laman nya dahil sariwa pa ang mga pangyayaring isang araw palang ang lumipas.

"Hey, sup, bro!" nabalik sya sa realidad ng magsalita si Nikos na tinawagan nya sa kabilang linya.

"Ah,.Hey, Are you still here?" derektang tanong nya dito.

"Yup, I'm in Ioann's house lang, why you call?" anito.

"We're going now," he said.

"Wait? as in 'Now'?!" gulantang na sambit ni Nikos.

"Yeah, is there a problem? magpapaiwan ka ba dito?" tanong nya.

"Nope. I thought magda-drama ka pa e," tugon nito.

Naoakunot-noo naman sya sa sinabi nito,"What?"

"Men, Ioann told me what happened, sorry for that,.." Paghingi nito ng paumanhin.

"Yeah, yeah, just,.. nevermind that,---btw, ano  sasama ka ba?" pag-iiba nya ng usapan, ayaw nya ng mga gantong drama naiirita sya.

Agad naman itong naintindihan ng kausap,"Yeah, sure,.tinatanong pa ba yan? ako naman lagi ang piloto kapag may mga lakad kayo e," natatawa nitong sambit.

"Okay. Good,.magkita na lang tayo sa airport," aktong papatayin na nya ang tawag ng may habol pang sabi si Nikos sa kanya.

"Ay, saglit! sasama daw si Ioann pa balik ng pinas, kung Okay lang daw." Paalam nito.

"Yeah, sure. Okay lang. Sige, mag-aayos lang kami." Sambit nya at binaba na ang tawag.

Agad na pinuntahan nya si Catherine sa kusina at naabutan nya itong nagse-cellphone.

"Hey," Tawag nya sa atensyon nito pero hindi pa rin ito natinag sa kung ano man ang pinipindot nito sa cellphone nito.

"Hey,.Cath," Pagtawag nya sa atensyon nito at umupo na sya sa harapan nito.

"Wait lang saglit na lang ito," anito na hindi man lang sya binalingan ng tingin nito kahit saglit.

"Pansinin mo naman ako," sambit nya at sinubukan nyang magpa-cute sa harapan nito. Pero wa epek pa din.

"Sino ba kase yan at parang mas importante pa yan kesa sa akin?" medyo may pagkairitana sa kanyang boses.

"Hala?" napalingon ito sa kanya na parang nagulat,"Galit ka ba?" takang sambit nito sa kanya at agad na tinigilan nito ang ginagawa.

POSITION 1: Alex Eilish - (Completed)Where stories live. Discover now