Hindi ko na pinatapos ang pag chichismisan nila dahil pumunta na ako sa gitna nila at laking gulat nung girl 1 ng makita ako at agad naman itong tumayo at napayuko sa akin na ipinagtaka ko naman.

"Ano....  Itatanong ko lang kung saan mo huling nakita yung Ate ko? " sabi niya sabay tingin muli sa akin at napansin ko yung dalawa na halatang gulat na gulat na din. 

"Sorry.  Ms.  Park" sabi nung dalawa at agad naman nag bow sa akin.  Hala.  Ano ba ang pinaggagawa nila?!  Ohemgee.  Nakakahiya ito!  Huhu

"So ano na?  Nasaan mo siya nakita? " sabi ko pa sa kaniya.

"D-Doon po sa kabilang building" sabi niya sabay turo ng isang malaking building. At agad naman ako nagpasalamat dito atsaka umalis na.

Medyo malayo layo pa ako at medyo hindi na rin tambayan ng mga tao ang tatahakin kung lugar kasi medyo tago na ang dinaanan ko.  Mas mabuti na ito para hindi nila ako makilala kung doon pa ako mismo sa hallway dadaan.  Paniguradong makikita lang ako ng ibang istudyante doon. 

Nang makarating na ako sa hindi matao bigla naman akong napatigil ng makarinig ako ng pangalan ko. 

"Sino yun? " mahinang sabi ko at pinagmasdan ko naman yung buong paligid ko at wala naman kung anong tao ang sumunod sa akin.  Nag h-hallucination na naman kaya ako? 

"Akira" muling tawag nito sa akin kaya napatigil na ako

"S-Sino ka? " tanong ko dahil hindi ko naman siya makita kung sino ba ito. 

"Sa likuran mo" sabi nito sa akin at paglingon ko nakita ko si fenrir na nakasunod pala sa akin. 

"Fenrir.  Anong ginagawa mo dito?  At paano ka nakalabas ng kwarto natin? " lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.

"Siguro ngayon at naguguluhan ka sa mga nangyayari sayo.  Kaya wag kang mag-alala.  Nandito lang kami ni shihou para bantayan kayong dalawa ng kapatid mo" tuloy tuloy niyang sabi na ikinatulala ko lang ngayon. 

"N-Nakakapagsalita ka? " gulat na tanong ko at tumango naman siya.  Shems!  Ibig sabihin alam niya pa rin yung mga kalokohan ko nung kasama ko sila?  Gosh!

"Lahat ng kalokohang pinaggagawa mo ay alam ko" sabi pa niya.

"I-Ibig b-bang sabihin ay t-tao ka rin ba? " tanong ko sa kaniya. 

"Malala ka na Akira, hindi ako tao.  Sadyang kaya ko lang kayo maintindihan. At binigyan din ako nang pagkakataon na magsalita at makilala ko kayo at mas lalo ka na" sabi niya na ikinataas ng kilay ko. So ibig sabihin nagkataon lang ang lahat na ito?

"Anong ibig mong sabihin fenrir (pen-rir) ? " naguguluhang tanong ko na sa kaniya. 

Shems!  Baka may makakita sa akin dito atsabihin nabubuang na ako dahil kausap ko ang isang aso na ang liit liit.

May hidden camera yata dito ee.  Baka pinaprank lang ako ngayon.  Naku naku.  Kutos talaga aabutin sa akin.  Kung sino man siya.

"Makinig ka Akira" sabi nito habang ako naman ay busy sa kakatingin sa paligid ko.  Baka kasi makita ko yung camera sa paligid.

"Fenrir baka may hidden camera dito.  At may nangtitrip lang sa akin.  At totoong hindi naman ikaw talaga ang kausap ko.  " sabi ko habang patuloy na tumitingin ako sa paligid. 

"Akira makinig ka " agad naman akong napalingon dahil mukhang totoo talagang nagsasalita siya kaya napalunok naman na ako.

"Ang lahat nang ito ay hindi nagkataon lang. May misyon akong dapat gawin sa mundong ito. " sabi niya oa na ikinanuot lang ng aking noo.  Misyon?  Ano naman iyun?

"Anong misyon mo?"

"Masyado pang maaga para malaman mo ito.  Ang kailangan mo lang gawin ay matiyak ang kaligtasan ng mga tao dito" sabi niya na ikinalaki ng mata ko.  Whut?!  Nagloloko ba siya.

"May mga kapangyarihan sila dito.  Ako nga ang nangangamba dahil ako lang ang walang taglay na kapa---"

"Sa tingin mo ba hahayaan nila makapasok ang mortal na tao sa  loob ng academy na ito? " napa-isip naman ako sa sinabi ni fenrir.  So ibig sabihin...

"Tama ka ng naiisip mo.  Ngunit hindi ako nakakatitiyak kung ano ang tinataglay mong kapangyarihan kaya dapat wag kang gagawa ng kalokohan sa academy na ito kung ayaw mong mapahamak.  Naiintindihan mo ba ako,  Akira? " naoatango naman ako sa sinabi niya. 

"Pero ang totoo niya.  Maski din ako hindi ko alam kung anong meron ako" sabi ko at napakamot na lang

"Malalaman mo din yan sa tamang oras. Kaya maghintay ka" sabi nito.

"Ngunit nakatitiyak ako na tutulungan ka ni shihou " pagkasabi na niyun agad naman akong nalungkot dahil yun pa ang isang problema ko.  Hindi ko alam kung nasaan ba yun?  Huhu

"Wag kang mag-alala.  Binabantayan ka lamang niya at hindi mo alam na nasa paligid lang siya.  Masyado ka lang nag-aalala kung kaya't hindi mo agad siya makita sa ngayon" sabi nito na ipinagtaka ko naman. 

"Anong ibig mo----- fenrir parang nahilo ako bigla" nakita ko sa noo ni fenrir ang hugis buwan bago ako tuluyang nagdilim ang paligid ko. 

******************************

MOON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon