~Ella~
"Mikaella Kitlane!" Halos mapatalon ako sa sigaw na yon ni mommy. Dali-dali akong bumaba para tanongin kung bakit ako tinatawag ni mommy,kahit may kutob na ako.
"Mommy?" Kinakabahang tawag ko dahil nakita ko na agad ang envelope na hawak nito.Tama nga ang kutob ko...
"What's the meaning of this?!" Galit na sigaw nya bago ibigay ang hawak na envelope.Inilibot ko muna ang tingin sa sala at nakahinga ng maluwag nung kami lang ni Mommy ang tao,baka wala pa si Daddy.
Kinakabahang kinuha ko ang envelope na yon bago nanginginig ang kamay na binuksan.
"Grades of Mikaella Kitlane Echavez" malakas na basa ko sa papel na nasa loob ng envelope.Napatingin ako kay Mommy na nakahawak ang dalawang kamay sa bewang at nakatingala habang nakapikit na tila pinapakalma ang sarili.
Sanay na akong nagagalit sya pag dumadating ang grades ko.Well,pasensya na dahil wala akong panahong makinig sa sinasabi ng guro.Pero...U.S. Ipapadala ako nila Mommy at Daddy sa U.S. pag mababa na naman ang grades ko at yon ang ikanatatakot ko...
"Now,Mikaella... what's the meaning of that?" Tanong nya sa mas kalmado ng boses habang nakaturo sa envelope na hawak ko na ngayon.
"Mommy..." Naisagot ko nalang dahil kinakabahan talaga ako."What? We already give you a warning! But you did it again and again!I have no choice but to ask your Dad about of your staying in U.S. with your–"
"B-But Mommy!"
"No buts,Mikaella! You have no choice but to stay in U.S. End of discussion!" And with that umalis na sya at umakyat sa kwarto nila ni Daddy.
Hayyysstt...by the way,I'm Mikaella Kitlane Echavez but my friends and family manage to call me 'Mika'. I'm seventeen years of age and I went in Dela Fuente academy which is one of our schools. Yes,we have our own schools,condo,hotel, restaurant etc. But money is not important for me.
Napapabuntong-hiningang umakyat nalang rin ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama. Napatingin ako sa wall clock ko.It's already six in the evening.Hindi ko namamalayang nakakatulog na ko...
***********
"Mika..." Naalimpungatan ako sa tumawag ng pangalan ko."Hey,Mika,wake up. You have to eat dinner." Tuluyan na akong bumangon dahil niyuyugyog na rin ako nito. "M-Mommy" Nagulat ako nung si mommy agad nakita ko.
"Sorry about what happened earlier,sweetie. It's just that I don't want you to suffer in the near future..." Nagpapaintindi ang tinig nya. Napangiti ako at yumakap sa kanya,sya naman ay hinaplos ang buhok ko.
"It's okay,Mommy. I understand" Ngumiti sya at kumalas sa pagkakayakap.
"I love you,sweetie."
"I love you too,mommy"
Tumayo na sya at humarap sakin."Tara na sa baba hinihintay na tayo ng Daddy mo. Dun nalang natin pag-usapan ang pagpunta mo sa U.S." Nanlumo ako sa narinig.
Nagmamakaawang tumingin ako kay Mommy."M-Mommy please..." Malungkot na sabi ko at bakas sa mga mata nya ang pagpapaintindi.
"I'm sorry,sweetie. But,that's for the better."Wala akong choice kung hindi ang sumunod sa kanya.
Pagbaba namin sa dining area,nakita namin si Daddy na nakaupo na at parang kami nalang ang hinihintay.Nung nakita nya kami ay ngumiti sya.
"Good evening,ladies!" Bati nya pa.Napangiti ako at humalik sa pisngi nya gayon din naman si Mommy. "Good evening,Daddy." Sabi ko at umupo sa tabi nya sa kanan at sa kaliwa naman si Mommy.
"Honey,I have something to tell you." Panimula ni Mommy kaya napatingin kami sa kanya."What is it?" Nakangiti pang tanong ni Daddy. Napaayos Naman ako nang upo,dahil alam ko na yung sasabihin ni Mommy.
"Asikasuhin mo na yung passport ni Mika."
Nawala ang ngiti ni Daddy.Gulat syang napatingin samin."Wait.What? Why?!" Gulat na gulat na tanong nya. Napatungo ako at hindi nakasagot,gayon din naman si Mommy. Nung hindi kami nakapagsalita,tumingin sya sakin!Gaaaaaaaaaaahhhd!
"For the third time,Mika?" Lalo akong napatungo."Ahh? For the third time you disappointed us,huh?"Sarkastikong tanong nya na naman!Hayyssttt..."I'm s-sorry Daddy" Yun nalang ang tangi kong nasabi dahil sa mga seryosong tingin ni daddy! Waaaaaah! "Yun nalang ang alam kong paraan para magtino sya sa pag-aaral." Sabat naman ni Mommy.Kaya napatingin ako kay Daddy at...walang reaksyon yung mukha nya!
"Naku! Pasensya na po ma'am,ser. Natagalan lang po ang pagluluto.Eto na po ang pagkain." Napahinga ako ng malalim nang dumating sila mmyanang na may dala ng pagkain."Okay lang,thank you." Tipid na sagot ni Mommy.
Napaayos ako ng upo ng umalis na sila manang at naiwan na naman kami!
"Fine.I'll give you one last chance..."gulat kaming nagkatinginan ni Mommy at sabay na inilipat Ang tingin Kay Daddy na seryoso pa rin!"but..." Dagdag ni Daddy at natigilan kami't napatitig sa kanya."I'll rent for your tutor."
"WHAAAAT?!!–Mommy at akoo!
:::::::::::::::::::::::::
Author's note: So ayoon! HAHA sorry po! Ito kase young first ever story ko kaya pagpasensyahan Ang kaunting hindi tama sa istoryang ito😆 So ayon thank you!
Ps:Hope you enjoy🤦✌️
KAMU SEDANG MEMBACA
Accidentally inlove with my tutor
Fiksi RemajaPapaano kung makatagpo ka ng isang lalaking masungit pa sa tinuturuan nya? Papaano kung nahulog ka sakanya? Sasaluhin ka ba nya...? O... Hindi? Kase,nahulog na rin sya sayo? Papaano kung matapos ang kontrata nya sa pagigng tutor mo? Kakayanin mo b...
