Chapter 23

464 20 4
                                    

Pumasok si Julia sa school nang lutang na lutang. Hindi na nga niya napagpartner nang maayos ang damit at pants niya. Wala rin siyang makapal na make-up ngayon. Walang kulot na buhok at accessories. Pero, atleast, nakaligo pa naman sya.

From now on, hindi na ako si Julia na kilala ng lahat. I’ve changed my mind!

 

Naisip niya ‘yan pagkadilat na pagkadilat ng mata niya (Medyo mugto pa dahil sa RIO). Di gaya dati, walang sumusulyap sa kanya ngayon na lalake. Feeling niya mukha lang siyang loser sa itsura niya, pero matigas ang paninindigan niya.

Hanggang sa nag-krus na naman ang landas nila ni Albert.

Saktong pagpunta kasi ni Julia sa tapat ng elevator (Yes, may elevator sila. Kagagawa lang), ‘yon din naman ang pagdating ni Albert. Tinginang side to side. Iwasan on the other side.

Naisipan ni Julia na ito pala ang feeling ng so near yet so far. Di niya kasi magets noon.

Nagbasa kaninang madaling araw si Julia ng isang blog kung paano mag-move on. Kahit di naman sila naging mag-on ni Albert, gusto niya parin mag-move on.

Act like nothing happened.

 

Naisipan ni Julia na sundin ang rules. Pagpasok nila sa elevator, tatlo lang silang laman—Julia, Albert, at ang operator na babae. Lumunok siya ng malaking laway, at chin-up, habang nakaharap sa nakasaradong pinto.

“Nice haircut,” flat lang ang tono niya. “Hindi ka na mukhang nerd.”

Napakunot si Julia kung matuturing bang compliment ang binanggit niya o hinde. Napatingin pa sa kanila ang operator sabay pindot ng floor na sinabi ni Albert.

Pero totoong bago ang haircut ni Albert ngayon. Hindi tulad dati na bagsak lang ang buhok niya at lagpas pa sa tenga. Ngayon, mas malinis na siya—mas mabango tignan—at naka-wax pa.

“Thanks. Ikaw din, bagay sayo’ng walang make-up.”

Napatingin ulit sa kanila ang operator habang nasa 3rd floor na sila. Three floors to go.

Sa pag-uusap nilang ‘yon, di sila nagtinginan. Hindi nga sila ngumiti nang binola nila ang isa’t-isa. Pero lintyak, hindi mapigilan ni Julia na maapektuhan sa compliment ni Albert. Luging-lugi siya.

Play hard to get.

 

“….”

“….”

“….”

“….”

Never ever give him a feeling that you still love him.

 

Muli, nakapagsalita na naman si Julia after so many random thoughts.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon