Chapter 2

1.6K 43 6
                                    

Chapter 2

Iritableng-iritable si Julia habang naglalakad siya sa hallway galing sa comfort room dahil sa suot niyang malaking t-shirt sa PE nila. Wala siyang choice, kung ayaw niya ng damit na ‘to, edi magtiyaga siya sa nang-gigitata niyang winter collection.

Isa pa sa kinaiinis niya eh si Therese ang may-ari ng T-shirt—buti na lang talaga at tinabi niya ang shirt niya sa locker. Hindi kasi sanay ang feelingerang si Julia na nanghihiram ng damit. Malay ninyo, ilang lingo na palang hindi yun nilalabhan? Yuck.

“Ugh, this is so… maluwag.” Sabi niya pero wala naman siyang kausap, “Amoy kulob pa!My God, di ba uso downy sa kanya?”

She’s referring to Therese na kasalukuyang nasa room na nila for next class kasama si Vannessa. Yeah, friends talaga sila—walang iwanan.

“Nakakahiya, pinagtitinginan ako ng mga tao!” bulong niya ulit sa sarili niya kahit wala naman talagang kausap. Sabi sa inyo eh, utak munggo siya. Pakiintindi nalang.

Pagdating ni Julia sa classroom nila, nakabusangot siya tapos feeling niya sirang-sirang-sira na ang araw niya dahil nabasa ang winter collection niya. Hindi niya na nakausap yung dalawang kaibigan niya dahil kapwa may ginagawa; si Vannessa, as usual, nagbabasa ng John Green novel, tapos si Therese… uhm, nagbubunot ng patay na buhok.Shocks,nakakadiri.

Umupo siya sa arm chair, katabi ang isang nerd. Si Albert.

Hindi naman nerd na wirdo at hindi na marunong maligo. Sa observation naman ni Julia—yes, marunong siyang mag-observe kahit utak munggo sya—mukha namang nasa tamang pag-iisip pa si Albert. Sa totoo lang, elibs si Julia sa lalakeng ‘to dahil tuwing magkatabi sila sa isang Math subject, itatype niya palang ang given sa calculator, si Albert, nasagutan na. Saan ka pa!

Kaya lang, kung ano’ng dinaldal ni Julia sa Math class, ganun naman katikom ang bibig ng katabi niya. Nalunok yata ang dila kakaaral. Actually, pwede ng magpa-misa kapag nagsalita siya ng mga 2 words a day. Achievement yon!

Minsan nga, inaasar niya si Vannessa kay Albert dahil pareho daw silang nerdy pero kung titignan, di compatible ang dalawang yun kasi… hindi sila ang loveteam sa kwento na ‘to.

Profit ang topic nila ngayon at feeling ni Julia, nasa kalagitnaan siya ng disyerto at nakayakap sa isang higanteng cactus. Tang ina! Ang hirap ng topic! Nakakaiyak! Kung tutuusin, napakadali lang ng topic at kahit grade 6, kayang sagutan ‘yan. Di nga alam ng iba kung paanong nakaabot si Julia sa kolehiyo! Nakakasakit ng puso, kung iisipin.

Nagsosolve siya ng isang seatwork at dahil malayo siya sa access niyang si Vannessa, kinalabit niya yung katabi niyang nasa second page na ng test paper, samantalagng siya, name, section, at date pa lang ang sulat sa papel.

Lumingon naman si Albert.

“Paano ba kunin ang profit?”

Tinitigan lang siya ni Albert dahil di nga ‘to nagsasalita. Through his clear eye glasses, napansin ni Julia na brown eyes pala ang katabi niya, mahaba ang pilik mata at sobrang watery ng eyes.

Dahil nawirduhan si Julia kung bakit parang watery ang mata ni Albert, nagsalita na naman siya, “Uy, I’m just asking. Wag kang umiyak.” Bulong niya.

“No,” yun lang yung sagot ni Albert tapos sinulat niya sa papel ni Julia ang sagot sa tanong nya.

Sa isip-isip ni Julia, Wow, hanep, ang galing nito ah. Memorized ang formula! Pagkatapos nun, hindi na ulit siya pinansin ni Albert. Hindi naman kasi sila friends! Tho, na-a-amaze parin siya sa mga brown eyes nun. Wini-wish kasi ni Julia na magkaroon ng ganun.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon