Mayroon pa bang lalaking kayang to sa salitang PANGAKO??
Oo mayroon pa....
Ako nga pala si Emily kasintahan ko si Edgar..
5taon na kaming magkasintahan...
At sa loob ng limang taon na magkasaintahan kami..
Kahit kailan hindi nya ko sinaktan, wala syang ginawa para paluhain ako..
"Ano namang iniisip ng babaeng pinaka mamahal ko?"bulong ni edgar sakin
Napatingin ako dito..
Tinitigan ko syang mabuti.
"Mahal na mahal kita mahal ko, sobra sobra!.. Anoman ang mangyari hinding hindi kita ipagpapalit"sambit ko dito
Pinapangako ko..
Sya ang una, at sya din ang magiging huling lalaking iibigin ko...
Hanggang mamatay ako...
Sya lang....
"Mahal na mahal din kita mahal ko, pinapangako ko sayo ikaw lang, ikaw hanggang dulo ng buhay ko"seryusong sambit nito
Ayoko syang mawala.
Hindi ko makakaya..
"Ipangako mo saakin, na kapag nawala ako, magiging masaya ka"bilin ko dito
Mayroon akong sakit Cancer.
Bigla itong lumungkot..
Ayoko mang iwan sya, pero hindi ko hawak ang buhay ko.
"M-mahal k-ko"naiiyak na tawag nito saakin
"H-hindi k-ko k-kaya, H-h-huwag mo k-kung iiwan p-paki u-usap"at tuluyan nang na itong napaluha
Masakit saakin na iwan sya..
Sobrang sakit para saakin na iwan ang taong pinangakoan kung makakasama ko habang buhay.
Pero wala akong magagawa, gustuhin ko mang manatili, hindi pwede
Tumingin ako sa mga mata nito.
"Ipangako mo saakin, na kapag nawala ako, hindi ka mabubuhay sa lungkot. Ipagpapatuloy mo ang buhay mo"sambit ko dito
"Paano ko ipagpapatuloy ang buhay ko kung mawawala ka? Paano ako mabubuhay kung wala ka, ikaw ang buhay ko Emily"umiiyak na tugon nito saakin
Napatingin ako sa kalangitan..
Bakit ang daya ng tadhana??
Bakit kung kailan masaya kana, saka nito babawiin ang lahat.
Bakit kailangan pang iparamdam sayo ang sobrang kasiyahan kung sa isang iglap maglalaho rin pala ito..
YOU ARE READING
Promises
Short StoryMayroon ba bang kayang tumupad sa salitang PANGAKO? Isang lalaki ang mag papatunay mayroon paring kayang tumupad sa salitang PANGAKO.... Kahit na mahirap sa paningin ng iba...
