CHAPTER:54:HOLD MY HAND

Start from the beginning
                                    

Gian… hindi ko na napigilan ang mapaiyak at yakapin siya nang mahigpit

sasaya kana ulit Cass..sasaya kana ulit kay Kiel..

Gian..i’m sorry..patawarin mo’ko sa lahat nang nagawa ko,patawarin mo’ko kung bakit hindi ko naibalik ang pagmamahal ko sa’yo!

shhh..wala kang kasalanan,sadyang isa lang talaga ang pwedeng mahalin nang puso at hindi dalawa..

hindi ko alam kung pano kita mapapasalamatan sa lahat ng ginawa mo sakin,kung pano ko masusuklian ang kabaitan mo!

sapat nang nakasama kita at sapat nang kahit papano naramdaman kong minahal mo din ako.. nag-iyakan kami pareho,sinulit namin ang gabing mag-kasama,binalikan namin ang mga masasayang araw naming dalawang nagkasama

Binalikan namin ang unang araw kung saan una ko siyang nakilala at kung pano nagsimula ang pag-ibig namin,tanging magagandang alala lang ang aming binalikan,nag stargazing kami at sinulit ang huling araw na magkasama kami,nakatulog kami sa Gym na magkayakap

Hinatid ko siya sa airport,walang patid ang iyak ko kaya hindi ko siya magawang bitiwan sa pagkakayakap,si Gian yung taong sobrang minahal talaga ako at ito rin yung taong talagang mahirap kalimutan lalo pa sa pagmamahal na binigay niya sakin

mag-iingat ka palagi hah?sabihin mo lang kung inaaway ka ni kiel at pinaiiyak babalik agad ako dito para bawiin ka sakanya tumango-tango lang ako

salamat Gian..salamat…mag-iingat ka din dun!! ngumiti ito sakin at pininch ng ilong ko

oo naman..huwag mo nang hayaang mawala si kiel sa’yo hah?! pinahid ko ang luha ko at tumango-tango dito

basta tawagan mo ako agad hah pagkarating doon!?

huwag kang mag-alala gagawin ko yun! isang mahigpit na yakap ulit ang pinagsaluhan namin hanggang sa tawagin na ito nang mga magulang nito,isang mabilis na halik ang binigay nito sakin saka umalis na at sumunod sa mga magulang

Kaway lang ako nang kaway dito habang papalayo ito sakin,lumabas ako nang airport na magang-maga ang mga mata,tumuloy ako nang park at doon nagpalipas nang oras,may tumabi naman sakin na ikinagulat ko nang bigla nalang ako tawagin

CASS…

ikaw pala kate.. ngumiti ito at bumuntong hininga

kamusta kana?!

ok naman,kayo ba ni kiel kamusta?! mukha naman naguluhan ito sa tinanong ko

iniisip mo bang may relasyon kami ni kiel?!

mahal ka niya kate! Nasabi niya ding nasaktan siya nang sabihin mong may mahal kang iba! “

sinabi niya yun?!

oo.. maikling sagot ko

haha,ang Gagong yun talaga,alam mo cass ikaw ang mahal niya at hindi ako! sinabi nito sakin lahat nang napag-usapan nila simula nung araw na magkikita kami para pumili saming dalawa kaya naiyak ako nang ipagtapat nito sakin ang lahat

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Where stories live. Discover now