CHAPTER:41:TALKING TO HIM

2.2K 47 14
                                    

 CHAPTER:41:TALKING TO HIM

Naglalakad ako sa loob nang campus na may ngiting akala mo tunay,super ngiti na parang nanalo sa miss universe,panay din ang bati ko sa mga nakakasalubong ko na kulang nalang kumandidato ako,puno nang sakit ang nararamdaman nang puso ko ngayon pero hindi mo mahahalata sa ngiting ibinibigay ko

gudmorning friendship!!! bati ko kay Eurie at Alexa na parang nanibago sa itsura ko

gudmorning din cass,may nangyari ba? parang ang saya mo?!  naunang namuna sakin si alexa na sinundan naman ni eurie

haha,wala naman,na realize ko kasing ang tanga-tanga ko pala kagabi

hah?! panong naging tanga? “-Alexa

eto oh!! Tignan niyo tinaas ko yung kanang kamay kong may bandage,alam ko din naman na mapapansin nila yan mamaya kaya mas maganda kung unahan ko na sila

si yaya nga kagabi halos mag-sisigaw  sa loob nang bahay naming,akala mo na rape at nasunugan kung maka sigaw natakot ata sa dami nang dugo na tumutulo sa kamay ko,gulat na gulat siya pagdating ko nang bahay na ang kamay ay naliligo na sa dugo

anong nangyari diyan?! namimilog ang mga matang tanong nang mga ito

nadulas kasi ako kahapon sa hardin tapos nakapitan ko yung halaman na puro tinik yung katawan napansin kong biglang napatingin sa gawi namin si Gian,pero agad din naman itong tumungo nang mapatingin din ako sa kanya

ayy,ano ba yan cass,hindi ka nag-iingat,tignan mo tuloy ang nangyari sa’yo “-Eurie

haha,oo nga!! Ang tanga ko kasi!!

talagang natawa kapa sa katangahan mo ah?! “ –Alexa

ano namang gusto mong gawin ko? Umiyak ako at maglupasay dito?! naka-irap kong sagot

Sasagot pa sana ang mga ito nang biglang dumating ang teacher namin,pinalalabas kami lahat nang room para maglinis nang school namin,clean day daw nang school namin ngayon at ang section namin ang naatasan para doon

Hinati sa tig-aapat na grupo ang section namin,hindi ko kasama si eurie at alexa ,ang nakasama ko yung dalawa kong babaeng classmate at si Gian,napatingin nga sakin lahat nung classmate ko nang malamang makakasama ko si Gian sa paglilinis,si Shirley hindi pumasok kaya walang kokontra kung makasama ko man si Gian

Naglalakad na kaming tatlo nang classmate ko sa pwesto nang paglilinisan namin,sa hardin nang school kami na assign,nakakatawa nga parang nanadya pa talaga ang kapalaran kasi sa hardin na ito dati kami tumatambay ni Gian nung kami pa

Naiiling na pumwesto ako malayo sa kanila,doon ako sa may swing pumwesto kasi,wala lang!! doon ko lang gustong pumwesto,haha,habang nag-wawalis ako bigla akong napahawak sa leeg ko,nagtaka ako nang hindi ko makapa ang kwintas na binigay sakin ni kiel,yumuko ako baka sakaling nalaglag pero wala

Para akong maiiyak na hindi ko maintindihan,hindi pwedeng mawala iyon,iyon ang isang bagay na napakahalaga sakin,hindi ko naman iyon naiwan sa bahay dahil tandang-tanda ko pa na nahawakan ko pa iyon kanina nung nasa room kami

Nakatungo akong nagpalakad-lakad sa pag-aasam na baka nahulog ito sa loob nang hardin pero hindi ko Makita,naiiyak na bigla akong napatunghay sa boses na narinig ko mula sa likuran ko

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Where stories live. Discover now