Prologue

2 0 0
                                    

"Wala na tayong sponsor para masustentuhan pa ang banda ninyo." Lugmok na wika ng aming manager. After that fucking incident with our stupid drummer na walang ibang ginawa kundi ay bigyan kami ng sakit ng ulo ayun unti-unti na rin naglalaho ang mga pinaghirapan namin. Fuck this asshole.

"Why?! di ko naman alam na may magpapakalat ng scandal ko na yun? kung makatingin kayo parang ginusto ko yung nangyari" tangina neto iimik pa ang gago.

"kung sana yung kalibugan at kababuyan mo napapakinabangan ay ayos lang pero puta pre! Tanginang titi yan kelangan may video pa. Wow artistahin?" nagulat pa ang gago ng magsalita ako. Di ko na kayang icompose pa ang pustura ko gusto ko na syang iumpog sa pader. Tangina nya.

Pangarap naming lima to' eh tapos sisirain nya lang. Di bale sana kung career nya lang ang masisira kaso damay kami sa kaputanginahan nya.

"wow umimik ka na rin Ria improving pero walang kwenta." Nakangising baling sakin ni Barry yung drummer. Di ko na kaya at susugudin ko na sana sya.

Ngunit......

"May isang company na willing tayong tulungan. The CEO is willing to be our sponsor. He believes on your talent guys." Napatigagal ako sa biglang pagentra ni ma'am Eumy. Matagal bago ito nagsink-in sa aking kokote.

May susugal para sa banda namin. Hindi mawawala ang mga pinaghirapan ko.

"oh bat parang di kayo masaya? It's great diba? matatagalan pa ang disbandment nyo! tuloy-tuloy ang karera natin" Nakangiting pahayag ni ma'am Eumy. Pero sa estado ng band namin sino pa ang maglalakas loob na sumubok kasama kami? Ngayong sirang-sira na ang reputasyon namin may handa pa rin ba talagang tumulong?

"By the way guys may alam na rin naman akong gimik para maayos na ang problema natin kay Barry eh." dagdag ni maam Eumy.

Ngunit sino ang tutulong samin?

"Manager ano po bang kumpanya ang tutulong? ang magiging sponsor namin ngayong kagipitan ang banda?" bulalas ko dahil di ko na mapigilan ang kuryosidad ko sa napakabuting taong handang tumulong samin sa pag-angat mula sa pagkakadapa.

"aahh S.C Group of Companies Ria." Nakangiting sambit ni maam Eumy na kinakabog ng dibdib ko.

HAHAHA maraming S.C Victoria hindi lang ang company nila yun. Huwag kang hibang di ka nya tutulungan.

"Alin pong S.C Manager? Yung sikat na kompanya ngayon dito sa Pilipinas? o yung pagmamay-ari ng intsik?" Curious na tanong ni Tupe aming pianist. Napabaling din tuloy sa kanya ang tingin ko dahil yun din ang nais kong malaman mula kay maam Eumy.

Sana yung pagmamay-ari na lang ng intsik ang kanyang sabihin. Sigurado naman akong iyon ang isasagot nya dahil imposible talagang tulungan nya ako ngayon.

Napangiti na lang ako ng mapait sa mga naiisip ko. Pero di maalis sa puso ko na umasang sya nga sana. Haay ang gulo.

"May meeting naman tayo sa kanya ngayon eh bat di nyo na lang alamin sa pagdating nya para exciting" Hagikhik pa na usal ng ginang. Nadagdagan lang ang pag-aalala ko kung di nya pa sasabihin kating-kati na akong malaman.

"Manager sabihin nyo na po para makapaghanda kami sa kanya" nakangiti kong suhestyon at agad naman itong tinanguan ng mga kasama ko.

Nagbuntong hininga muna si maam Eumy na nagpapahiwatig na panalo kami. Makakahinga rin ng maluwag.

"yung bago kasi nating sponsor ay yung S.C group of companies na......" tiningnan nya muna kami isa-isa para usisahin ang reaksyon ng aming mga mukha. Natatawa pa sya ng bumaling sakin. Halata kasi sa muka ko ang pagkainis dahil sa bitin nyang pagsagot.

"yung sikat sa buong Pilipinas na pagmamay-ari ng Samonte Cousins na pinamumunuan ni---"

"Dwight Samonte"

Napalunok ako sa nalaman lalo pang kumabog ang puso ko ng biglang nagbukas ang pintuan at sabay na pagbungad ng Mukha nya.

"Pasensya at nahuli ako" sinasambit nya ito ng mariin habang titig na titig saakin.

Ito na sya.

Mababasa mo sa mata nya ang lamig at pagkawala ng pakialam dahil wala kang makikitang emosyon sa mga ito.

Parang hindi na sya ang Dwight ko.

At ginawa ko syang ganito.

~~~~~~~~~•'•~~~~~~~~~~~

This is my first ever story kaya pasensya sa kajejehan at cringe moments.

grammatical errors ✓

typos ✓

sorry for being a not on your standard na writer.
.I hate comparing.

April 21, 2020 ❤️

quarantine po, opo.

Behind The MaskWhere stories live. Discover now