Im the typical, "iwas-lalaki girl" I dont know why pero kumukulo ang dugo ko sa mga kalahi ni Adan. Siguro dala ng panonood ko ng mga drama na palaging nagtataksil ang mga kalalakihan at mahirap masaktan pag nagmahal ka na, kaya avoid falling in love.
Bakit sa dami-daming kababaihan sa campus, napansin pa niya ako? Ang tahimik ng mundo ko tapos papasok pasok, papansin pansin at pa approach approach pa siya?. HINDI PO AKO MAGANDA!
Alam ko marami na ang nakaranas nito, ang iba nga na experience na dahil sa pagbabasa. Ang iba ay napalabas na sa sine, kasi nga nakakakilig. Biruin mo yun? napansin ka ng isang lalaking may points sa pagandahan ng mukha, may percent sa pagiging matalino at higit sa lahat habulin ng mga aso... 'este mga babae at babae kuno.
Ano pa hahanapin mo? malapit mo nang ma reach ang happy ending with forever after.
Pero sa lagay ko'y hindi.
Ayoko, ayoko at ayoko.
Buo na ang desisyon ko gagraduate muna ako.!.
Pero bakit ganun?
Iniiwasan ko na nga, ba't parang magnet na didikit dikit, kabute na susulpot sulpot, at sisigaw sigaw ng pangalan ko, hindi lang sa malapitan, kailangan rinig pa nang buong campus.
Ang saklap ng "layp" bigti na...
All eyes na ang lahat eh.
Ginisa mode na po. Kailangan ko na bang magtago?.
