Nabigla man sa sinabi ay hindi na niya pinahalata rito. Baka nga totoong me gusto ito sa kanya gaya ng madalas na conclusion ni Ferlyn na napatunayan na raw nito pagpumapasyal sila dahil lagi raw siyang hinahanap nito.

            "Naku binola mo pa ako Mr Sebastian. But Im happy na naaalala mo pa rin ang presensiya ko kahit nandiyan ang makukulit kung mga kaibigan," pangiti niyang sagot. Biglang tumunog ang phone niya at sinagot niya ito sa harap ng binata.

            "Hi there. Nasa labas ka na ba?" tanong niya sa tumawag at napansin niya ang pagkunot ng noo ni Sidrick. " Yah, palabas na ako. Me kausap lang ako saglit I'll be there in a minute. Yes, yes I know. I'll hang up. See yah."

            Hinarap na niya si Sidrick para magpaalam. Parang bigla yatang nag iba ang timpla ng mukha nito. "I guess may lakad ka ngayon at may naghihintay sa yo sa labas right?"

            "Yes there is and kanina pa raw siya nasa labas. So paano ba yan sa susunod ulit ha. You have my number diba? Okey ka na siguro don right?" paalam niya rito. " I really have to go Sid and it’s nice to see you again."

            "Well ano pa nga bang magagawa ko. Looks like your boyfriend is outside right now. Ingat ka Kim," sabi na lang nito na mukhang napagkamalan pang boyfriend niya ang kausap na hindi na lamang niya itinama. Mas mabuti na rin sigurong mapasok sa isip nito na taken na siya.

            Paglabas niya sa gate ay nakasandal ang kuya niya sa labas ng kotse nito with all the disguise outfit mula sa bullcap, sunglasses hanggang sa rugged shirt at pants nito.           Napangiti siya, kahit ano yatang disguise ng kapatid ay gwapo pa rin ito sa paningin niya. Paglapit niya rito ay niyakap niya ito sa baywang na kinagulat nito. Mukhang nakapikit ito at sinusubukan atang matulog habang hinihintay siya.

           

            "Hello there handsome. Pwede ko bang makita ang mukha mo," pangungulit niya rito na pilit tinatanggal ang sunglasses nito.

            "Ano ba sweetie? Gusto mo bang magkagulo ang buong St Michael dahil sa kin. Will you stop it?" sabi ni Klark. na iniiwas ang mukha sa kapatid. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nagtxt sayo na sa labas mo na ako hintayin. Which is kabaliktaran dahil ako pa ang naghintay sayo."

            Pinamaywangan niya ito. "Eh sino naman kasing me sabi sayo na lumabas ka ng kotse. You could just wait inside. Gusto mo lang atang mapansin ng mga tao rito eh."

            Ginusot nito ang buhok niya. "Tsk, pahinga ko nga ngayon diba? No exposure na muna para sakin. Baka magpanic ka pag nakita mung pinagkakaguluhan na itong kapatid mo," pagyayabang nito na hinimas-himas ang baba.

            "Yabang nito. Tara na nga. Im hungry kuya. I need a treat," demand niya rito.

            "Then hop in. Mukhang matsi-tsismis ka bukas sa buong campus ah. Pinagtitinginan na nila tayo. Baka akala ng mga yan boyfriend mo ang sumundo sayo. Hindi ba nila alam na kapatid mo si Klark Mendez, latest endorser ng Printshoppe ngayon?" hindi pa rin tumitigil na sabi ng kuya niya. Ang Printshoppe ang pinakasikat na clothing brand ngayon sa Pinas at latest endorser ang kuya niya. Mendez naman ang gamit nitong apelyido bilang screen name nito.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now