Ito tip ko lang, para mas ma-distinguish ang character bigyan natin sila ng mannerism o kaya favorite word na sinasabi nila. Halimbawa nito ay si Koen na laging hawak ang pamaypay niya. Haha.

8. Next, setting. Isa ito sa masyadong lito pa ako sa story. World building. Fantasy kasi ang nais na isulat ni writer kung saan ay gumawa siya ng isang mundo. Ang problema nga lang, hindi nagawa ni writer nang maayos ang setting ng kuwento kaya ang hirap i-imagine ng journey nila. Like, saan banda ang Cantaga? Ang Estrella? South? North? Anong sistema ng lugar ng mga iyan? Anong klaseng government mayroon sila? Anong pinagkaiba ng pananamit ng mga taga-Cantaga sa Estrella? Anong bagay ang sikat sa Cantaga? Sa Estrella? At sa iba pang lugar? Kunwari, ang mga nakatira sa Cantaga ay maharlika at maalam sa mahika tas may mga lugar din na puro trabaho lang, parang producer ng goods sa iba't ibang lugar. Mga ganern. Anong history mayroon ang bawat bansa? Etc etc.

Alamin natin kung paano bumuo ng world building. Mahalaga po ito dahil lalo na at fantasy ang sinusulat ni writer. Mag-research na lang po tayo nang mag-research para magkaroon ng clue.
Isa pang problema sa setting, kinulang sa imagery. Iyon nga, mahilig lang si writer mag-describe kung ano ang nakikita ng mga mata. Mga mata lang ba ang mayroon tayo? How about the ears? Tongue? Skin? Etc. etc. gamitan po natin ng five senses para mag-set ng mood at mag-set up ng setting.

Tip ko rin dito na magbasa pa po tayo ng mga Filipino fantasy books para magkaroon tayo ng ideya kung paano ginagawa ang world building, paano nagse-set ng mood, at paano nakatutulong ang five senses para magpakita ng eksena. Nakadadagdag din kasi ito ng emosyon.

9. Next, narration. Katulad ng sabi ko, personal preference ko lang po ito. Ganito kasi iyan, nakadepende ang narration at writing style ni writer base sa edad niya at personality kaya hindi maiiwasan na ma-incorporate iyon sa sinusulat ni writer. Mahirap ito lalo na kung taliwas ang characterization ng heroine (na siyang narrator) sa ugali ni writer. Kaya in the end, dahil first point of view ang gamit nito, hindi ko maramdaman ang narrator, halatang-halata na si writer pa rin ang nagsasalita sa kuwento.

Sa totoo lang, sobrang hirap i-explain nito. Lalo na kung writing style ang pinag-uusapan kasi iba-iba naman ang style ng bawat writer at iba-iba rin ang personal preference ng readers kaya mahirap iyan husgahan. So iyon nga, mabalik tayo, para sa akin, medyo mahina ang sipa ng narration. May action scenes pa man din. Kailangan may thrill iyon, kasi action nga. Iyong makabagbag damdamin, ganern haha. Isa pa, huwag laging nakikita ng mga mata ang ilagay sa narration, samahan ng iba pang senses. Minsan, hindi masama ang paglalagay ng inner thoughts. Kasi 'di ba, first point of view ang sinusulat ni writer, kaya kailangan, mai-connect niya ang readers sa mismong story. Invest tayo sa emotions dito.

Tip #1: Sa pagsusulat ng first point of view, kailangan hindi si writer ang nagsasalita sa kuwento, kundi ang napiling narrator mismo. Iba si writer sa character niya. Lagi iyang tatandaan.

Tip #2: Magbasa ng Filipino books para mas mapalawak ang vocab. Nakakaapekto rin kasi ang words sa kuwento natin. Choose the proper words to express more, ganern. Halimbawa nito sa action scenes, kung may sipa ang mga salitang ginamit, mas may dating ang action scenes.

10. Show vs Tell. More on telling ang kuwento. Paano nasabi iyon?

Nakita ko.,,
Tiningnan ko...
Napatigil ako...

Napansin kong ang daming telling sa kuwento imbes na magpakita ng pangyayari. Iyon nga, paulit-ulit kong sasabihin na gamitan po natin ng five senses ang description natin para mas mapa-imagine pa natin sa readers ang nangyayari sa kuwento. Mas mailagay pa natin sila sa mismong sitwasyon; kasi iyon nga, first point of view ang sinusulat natin.

Kung malabo sa 'yo, magpo-post ako later (or next time, kasi tinatamad ako ngayon haha) about sa show vs tell. Haha.

11. Prologue. All right, ang prologue para sa akin ay parang panimula ng kuwento. Introduction kung baga. Tapos sa bandang dulo pa kung saan parang sinabi (non-verbatim) "hindi ko alam na dahil sa manuscrip na iyon ay magbabago pala ang aking buhay etc etc."

parang ang dating ay nagkuwento siya. Hindi po iyon prologue, p'wede sana ipasok iyan sa blurb kung saan, pakilala ng character, then dahil sa isang manuscrip, hindi niya inaasahang magbanago ang kanyang buhay etc. etc ganern.

Ganito kasi iyan, ang prologue may mga uri iyan at may gamit iyan sa kuwento. Search na lang po natin kung ano, pero kung tinatamad mag-search, maghintay na lang po about sa discussion ko tungkol dito. Ipo-post ko rin iyon pero, baka next time pa. Wala pa akong gana ngayon. Haha.

TECHNICALITIES

ang vs iyong/'yong (wala pong 'yung na salita)
Pansin kong nalilito ka sa paggamit ng dalawang iyan, imbes na 'ang' ang ilagay, 'iyong' ang nalalagay ni writer.

Halimbawa: naningkit ang mga mata ni Koen nang tiningnan niya iyong (ang) babaeng nakahawak sa braso nung (ng) matanda.

Kapag narration naman, (kasama ito sa editing) iwasan nang kaltasan ang salita. Buoin po natin. Halimbawa, imbes na 'do'n, gawing doon'. Kumpletuhin po natin.

Sa action tag at dialogue tag naman, feeling ko alam mo na iyan kung nagbabasa ka ng update ko sa critique corner. Pati na rin iyong rules sa 'din at rin'.

*hitsura
*isa't isa
*iba't iba
*tingnan/tiningnan
*mayroon

So far, iyan lang naman ang nakita ko. Actually, wala naman talaga akong pakialam sa technicalities, maliban na lang kung paulit-ulit ko siyang nakita. Haha. Overall comment, may ibubuga ang kuwento, paki-take note na lang ng mga sinabi ko sa taas para mas ma-improve pa. So ayern lang, thanks for trusting us and keep writing!

Rating: 7.5/10

***
ECRIVAINS: House of Dreamers

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now