Chapter 20

80.9K 2.1K 137
                                    

At dahil mahal ko kayo, isang update pa para sa inyo.🥰

PS: Keep safe po sa mga affected ng ash fall sa iba-ibang lugar. God bless us all. Pray po tayong lahat.🙏

CHAPTER 20

LIHIM AKONG NAPANGITI habang tinitignan mula sa pinto si Prince na salubong ang mga kilay habang ginagamot ang pasa ni William.

I forced him to do that. Kagagawan din naman nito kung may bakit may pasa si William.

"Dahan-dahan naman." Narinig kong reklamo ni William habang nakangiwi.

Sa halip na magdahan-dahan ay mas lalo nitong diniin ang bulak na hawak sa sugat ni William dahilan para mapadaing sa sakit ang huli.

Naiiling na lumapit ako sa dalawa.

"Ako na ang gagamot para-"

"No need. Ako na. Lumayo ka sa lalaking 'to. 'Wag na 'wag kang lalapit o hahawak sa kanya, baka hindi na makabangon mamaya." Seryosong putol nito sa sasabihin ko.

Seloso ang prinsipe ko. Cute.

I look at William and I mouthed sorry. Nakakaintinding tumango ito.

Nasa loob kami ng maliit kong opisina sa studio ko. Dito ko dinala si William sa tulong ni Prince dahil nahihirapan itong makatayo kanina at paika-ika pa.

Umupo ako sa sofa at pinagmasdan lang si Prince. Titig na titig ako sa guwapong mukha nito.

Nang matapos gamutin ni Prince ang mga pasa ni William ay sandaling  lumabas si William para sagutin ang tumatawag sa cellphone nito.

Paika-ika pa ito pero tumangging magpatulong.

Patuloy kong pinagmamasdan si Prince habang nililigpit nito ang medicine kit nito. Natigil ito sa ginagawa at tumingin sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring abala sa cellphone ko.

Ilang minuto lang ay muli akong tumingin kay Prince at ganoon na lang ang pagkagulat  ko nang makitang kaharap ko na ito.

He's squatting in front of me and I didn't even heard him move earlier.

"Staring is rude, baby girl." He murmured.

"I-I'm not staring at you." Tanggi ko.

"Really?" He caressed my cheek.

I gulped and nodded.

"Hindi ka talaga tumitingin sa'kin?" Patuloy nito.

"Hindi nga." Sambit ko.

Matagal itong tumitig sa mga mata ko.

"I love you." He muttered.

Pakiramdam ko ay biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Naikagat ko ang loob ng pisngi sa pagpipigil ng kilig.

"Arriane." Untag nito.

"Y-Yes?"

Hinawakan nito ang kamay ko.

"I said, I love you." He said.

Wala sa sariling napatayo ako at pinaypayan ang sarili. Ang init-init ng buong mukha ko.

I heard Prince chuckled. Tumayo ito at nilapitan ako.

"You okay?" He asked.

"Ahm, I-I'm just..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin.

"You're blushing." Anito habang nakatitig sa mukha ko.

Akmang magsasalita ako nang pumasok si William.

Phoenix Series #9: My Beautiful Disaster(COMPLETED)Where stories live. Discover now