intro

258 22 33
                                    

Welcome to the Ecrivains’ Critique Corner! All right, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, para saan po ba ang book na ito?

      Ang book na ito ay inilaan upang magbigay ng constructive criticisms, reviews, at insights ng critic (ako po iyon haha) sa story na gawa ng isang writer. Tandaan po, story n’yo lang po ang iki-critique ko at hindi ikaw mismo bilang manunulat kaya madalas, wala akong say sa writing style, maliban na lang kung hindi talaga bagay ang writing style sa sitwasyon or sa genre na napili para sa story. Halimbawa, ang eksena ay malungkot, ma-drama, namatayan (ganern), pero nagawa pang mag-joke ng narrator sa kalagitnaan nang ka-dramahan niya (lol haha)—dyan, may mase-say talaga ako. Pero nakadepende pa rin syempre ito sa personality ng character.

Next, bakit ko ba naisipang gumawa ng critique corner?

         All right, ang plastic ko naman kung sasabihin ko na ginawa ko ito para makatulong sa pagsusulat ng mga writer, ganern (pero, may part naman na iyon ang purpose nito). But, the main purpose of this book is to introduce our group, Ecrivains: House of Dreamers (mag-iingay lang ganern). Proceed tayo sa next question.

Ano po ba ang content ng critiques na ginagawa ko?

        Okay, sa pagbibigay ko pa ng critique, hinahati ko po sa dalawang bahagi. Una, positive sides ng story at negative sides. Syempre, kailangan balance tayo sa pagbibigay ng critique. Hindi naman kasi p’wedeng puro negative at bad sides lang ang napapansin. Kahit gaano pa kapangit ang story, hahanapan kop o iyan ng positive side. Imposibleng wala iyan.

       At kung may problema po sa technicalities, nagiging tatlong bahagi ang critique na binibigay ko: positive, negative, at technicalities.

Ilan po ba ang p’wedeng ipa-critique na story?

       Isa lang po kada writer sa bawat batch (give chance to others po tayo). Bawat batch po ay mayroong twenty (20) stories.
(yes naman, ang sipag ko HAHA)

Last question, ano po ba ang payments?

        Simple lang naman ang payments, hindi ako hihingi nang malaki. Pa-follow lang po sa account na ito at simple thank you ay ayos na sa akin.

All right, bago po kayo tumungo sa next page, mangyari lamang na mag-mention kayo ng limang (5) writers na nangangailangan din ng insights at critiques sa story nila.

***
ECRIVAINS: House of Dreamers

Ecrivains' Critique CornerWhere stories live. Discover now