Ako ba,tungkol ba ito kay Nathan dahil kung doon wala na akong magagawa. Kailangan kong dumikit sa kaniya at makuha ang loob para malaman ang plano niyang talaga sa akin at kay Eric. Gusto ko protektahan si Eric kahit manlang dito alam ko na pinapaimbestigahan na siya pero hindi parin ako kampante lalo pa at alam kong meron siyang kapangyarihan na mas nakakahigit sa amin.

"kaibigan mo ba ako bakit ganyan ka sa akin"
Malamya kong saad habang nakatungo

"Ibabalik ko ang tanong sayo Gel,kaibigan mo ba kami bakit mo kami ginaganito? Alam mo bang nahihirapan kami na intindihin ka? Si Eric? Alam mo bang halos ilang linggo na lasing yun kakaisip sayo kung paano kayo magkakaayos,Gel sana manlang nag explain ka kung bakit para naman hindi kami nanghuhula and to remind you hindi kami manghuhula"

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya dahil hindi kona kaya ang mga sinasabi niya na mali naman. Masakit man kung tutuusin pero ang hirap pala saluhin ng mga binabato niyang salita I have no choice but to tell her everything na plano namin ni Daddy kasi una sa lahat kailangan ko siya kailangan ko si Yang na naintindi sa akin at nagreremind lagi sa akin na kaya ko at lumaban.

"Akala mo ba Yang madali ang maging ako,madali na iwasan kayo hindi hindi madali dahil sobrang hirap sobra pa sa sobra"
Naiinis kong saad

Naiinis ako, hindi nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ganito ako kung bakit kailangan pa mangyari ang lahat ng ito sa akin sa amin ni Eric.

"kung alam mo naman pala na mahirap bakit mo ginagawa"
Pasigaw nitong saad

"Dahil kailangan!"
Hindi ko naiwasan na pagtaasan siya ng boses at kita ko ang pagkabilog ng kaniyang mata sa gulat.

"Dahil kailangan Yang,alam mo ba yung pakiramdam na iwasan mo ang taong sobrang mahal mo at taong bumuo sayo muli. Sobrang hirap at tsaka ikaw akala mo ba madali na iwasan kayo niLa Mark. Napapagod ako yang nasasaktan ako,pero kailangan e para maiiwas ko kayo sa gulo sa kapahamakan lalo na si Eric."

"Si Nathan alam mo ba,alam mo na myproblema sa pag iisip ang taong yun at obsessed siya sa akin pero anong magagawa ko kung sabihin niyang mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para lang maagaw ako kay Eric at handa siyang patayin ito. Tingin mo ba mas pipiliin ko pa ang kaligayahan namin kesa sa kapakanan ni Eric. Hindi! Hindi diba kaya ko to ginagawa"

"Sabi ni Daddy pinapa imbestigahan na si Nathan,pero mayaman sila makapangyarihan. Kaya mas nagiging malapit ako sa kaniya para makuha ang loob at malaman ang galaw ng bituka niya."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit ramdam ko ang paghaplos niya sa likod ko..

"Sorry Gel hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman mo na ganito ang pinagdadaanan mo. Sorry"
Nagalaw ang balikat niya kaya alam ko na naiyak na rin siya

Hinarap ko siya at pinatuyo ang mga luha sa pisngi

"Wala kang dapat ika sorry Yang,ako nga dapat mag sorry kasi kaibigan kita pero napaglihiman kita diba nga partners tayo"

Napangiti naman siya sa huli kong sinabi at mas hinigpitan ang yakap.

"Paano si Eric"
Ani niya

"Hindi ko pa alam kung paano,nag eenjoy naman ata siya sa bago niyang girlfriend"
Myhalong selos kong saad

"Asus ang kaibigan ko nagseselos na naman"
Pag aalaska pa nito

"Hindi ah ako magseselos. No!"
Pagtatanggi ko kahit totoo naman na nagseselos ako

Bakit ba kasi kailangan pang itanggi kung pwede naman umamin sows hindi naman nakakamatay ang umamin pero ang magselos ay sheyt baka makasampal ako!

"Kilala kita,pero seryoso Gel wag ka magselos dahil alam ko na ikaw ang mahal ni Eric at kaibigan lang niya si Morrie"

So Morrie pala ang name niya,nice ha!

Natahimik kami at napakalas ng yakap ng bumukas ang ilaw sa my sala and si Mommy pala kala ko naman kung sinong Diyosa ang nagpakita.

Totooo naman Diyosa siya mas Diyosa pa sa akin mabuti nalang at nagmana ako diyan naks!

"Oh at bakit gising pa mga baby ko nagugutom ba kayo gusto niyo ipag luto ko kayo"
Nakangiti nitong saad,pero nilapitan lang namin siya at niyakap

"Naglalambing kayo ha haha halika nga yakapin ko kayo ng mahigpit"

Ang ending magkakayakap kaming tatlo na para bang sabik sa yakap ng bawat isa kahit sa iisang bahay lang kami nakatira.

Myghad Cassie sana all mykayakap sa gabi hindi ba.

Ang sarap sa pakiramdam na kahit sobrang lubog kana sa problema ay meron ka pa ding tao na masasandalan at mahihingian ng tulong. Mga taong handang ibigay ang suporta para lang mapalakas ang loob mo.

Saludo tayo sa mga taong hindi napapagod na umintindi at magbigay ng payo sa taong sukong suko na. Thank you sa inyo!

Thank you. Vote and comment. 💚

PERPETUITY Where stories live. Discover now