KABANATA XVI

Depuis le début
                                    

Nilapitan ako ni Yang at marahan na hinaplos ang aking likod

"Sana nga totoo Yang,Mark. Hahaha nararamdaman ko? parang naubos na ang aking pakiramdam kasi nabigay ko na lahat sa kaniya."

"Mahal na mahal ko siya alam niyo yun,pero sabi niyo mahal niya din ako bakit hindi ko na maramdaman?Bakit kasama niya si Nathan?Bakit ang sweet nila?Hindi ba sapat ang ako nalang?"

"Er-ic nakita mo sila"

Tumango ako ng marahan habang nabagsak ang mga mapaait na luha

"Oo Yang,ang sakit sobra kagabi dapat mapunta ako sa DR niya pero nakita ko siya kasama si Nathan at nakaakbay na parang jowa. Pero hindi ko magawang kumprotahin sila alam mo ba kung bakit?Dahil ayaw kong mas lumala ang hinanakit niya sa akin na baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Kaya inaya ko kayo para mawala kahit saglit ang sakit pero parang mas lumala e"

"Bro hindi baka naguguluhan kalang,baka wala lang si Nathan kay Gel. Kilala natin siya mahal na mahal ka niya diba nga nung nawala ka sobra siyang nasira dahil hindi niya kaya ang mawala ka"

"Totoo nga ba na ganoon ang nararamdaman niya o naguguilty lang siya?Bakit kailangan iparamdam niya ito sa akin."

"Eric please sana intindihin mo naman si Gel,baka baka meron siyang reason. Maniwala ka sakin mahal na mahal ka niya"

Napakuyom nalang ako habang pinupunasan ang mga luhang wala ng halaga.

Bakit parang gusto ko nalang ulit mawala kung ganito ang nararamdaman ko. Ito ba ang kapalit ng lahat dahil kung ito mas gugustuhin ko nalang na tuluyan ng mawala.

"Alam niyo yung isang bagay na inisip ko,na sana hindi ko na maalala ang lahat at sana mamatay nalang ulit ako pero this time yung totoong wala na talaga"
Mahina kong saad na kinatigil nilang dalawa

"Bro ano ka ba"

"Eric wag ka magsalita ng ganyan tinatakot mo ako"

Niyakap ako ni Yang ng mahigpit pero mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalas ko sa kaniya.

"Yang"
Usal ko

"Hmm"

"Yung totoo sana ang gusto kong malaman,sila na ba ni Nathan please sabihin mo ang totoo"
Seryoso kong saad na mypagmamakaawa gusto kong malaman ang totoo bago ko bitawan si Angelina knowing na binitawan na niya ako.

"Wa-la akong alam Eric,maniwala ka man o hindi simula ng magkaganyan si Gel hindi na siya nagkekwento kahit sa akin ay naiwas siya minsan . Oo nasa isang bahay kami pero parang hindi din dahil lagi siyang busy sa pagsusulat pag walang rehearsal."

Para bang nabunutan ng tinik ang dibdib ko ng marining ko iyon. My konting pag asa pang natitira sa akin na hindi siya mawawala.

Magulo man kami ngayon pero sisiguraduhin ko na babalik kami sa dati. Siguro nga meron siyang rason ngunit hindi pa rin mawawala sa akin ang takot ng makita sila ni Nathan.

LUMABAS ako ng kwarto para maiwasan na ang usapan,naglakad lakad ako sa buong kabahayan medyo naaabot ng aking memorya ang ibang bahagi nito pero mabilis na nawawala.

Naupo ako sa isang upuan na malapit sa magandang tanawin,napakasarap ng simoy ng hangin kahit papaano ay napapawi nito ang sakit na king nararamdaman

Sana nga ganun nalang,sana sa pagdampi ng hangin sa akin ay dala dala ang mga sakit na nadarama ko ngayon sa paglampas nito.

Napapitlag ako ng lumapit sa akin si Mark.

"Bro,naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong natatakot ka na baka maagaw siya sayo pero sa halip na kumilos ka ito ka my hang over dahil sa pag iinom. Bakit hindi mo subukang gumawa ng paraan para bumalik siya. Kausapin mo"

PERPETUITY Où les histoires vivent. Découvrez maintenant