Prologue

4 0 0
                                    

Prologue


EVERYBODY says I'm lucky because I have a loving father and a supportive sister. I appreciated it or not? I really don't know, well I don't care.

Francis Natividad, also known as "the loving father". He's handling one of the biggest company worldwide. An entrepreneur who has a crow-like voice when it comes to business. A raucous but deep voice that you'll surely don't want to hear. With his voice he can manipulate everything in just a span of seconds.

He has two daughters and that's Cheri Natividad which is my sister and me, Sullen Natividad.

Sa pangalan pa lang alam na kung sino ang barumbado diba?

Cheri comes from the word 'cherish' means mahalin, pahalagahan, ipagmalaki, at lahat ng magagandang bagay sa mundo.

While me, Sullen means bad-tempered, sulky, darkness, at lahat ng masasamang bagay sa mundo.

Psh, si dad ang nagbigay ng pangalang 'yan saakin.

Cheri is 3 years older than me. Isa siyang model ng isang sikat na magazine, laging nafe-feature sa malaking billboard at isang masunuring anak, she's into business too. Talented, smart, beautiful, sexy nasa kaniya na ang lahat.

Ako halos one and a half year nang graduate, business rin ang kinuha ko dahil utos yon saakin ng aking 'loving father'. Feeling ko wala rin naman akong natutunan pero okay lang yon hindi naman niya saakin ibibigay ang company.

Flashback

Tuwang-tuwa ako pagkatapos kong makuha ang grades ko. Third year highschool na ako.

Hindi ako mapakali sa kangi-ngiti habang nasa loob ng sasakyan na maghahatid saakin pauwe.

"Aba, mukhang masayang-masaya ang anghel namin a!" bigay pansin saakin ni kuya ruel na driver namin.

"Kuya naman! Sabing huwag nyo akong tawaging anghel e." paliit ng paliit ang boses na sabi ko ngunit tinawanan lang niya ako.

"Nandito na tayo!" pagpapa-alam niya.

"Thank you po kuya, the best ka talaga!" ipinorma ko ang dalawang hintuturo ko sa kanya at itinaas ko pa ang isang paa ko.

"Ang batang ito talaga nagpapa-cute pa. Sige na at nandyan na ang iyong ama sa mansyon, ipakita mo na iyan at siguradong matutuwa yon." nginitian ko siya at lakad-takbo akong pumasok sa mansion.

"Si daddy po, nanang?" tanong ko sa isa sa kasambahay namin.

"Andyan ka na pala hija. Kausap pa ng iyong ama ang Tito Beltran mo, magbihis ka na muna."

Sinunod ko ang utos ni nanang at mabilis akong nagtungo saaking kwarto upang magpalit ng damit. Kasalukuyan akong nasa harapan ng office ni daddy at hanggang ngayon hindi parin sila tapos mag-usap.

"Sullen? Ipapakita mo rin ba ang grades mo kay daddy?" tanong ni ate Cheri na kakarating lang.

"Yes po ate"

"Good, puntahan mo ako sa kwarto ko kapag tapos na silang mag-usap. Dapat ako ang mauunang magpakita ng grades ko kay daddy, understand?"

"Y-yes ate" tinalikuran niya na ako at napabuntong hininga nalang ako.

Time check, 5:35 pm.

Gusto ko mang kumain muna ng hapunan pero gusto kong kay daddy muna ako pumunta.

7:05pm...

9:50pm...

10:15pm..

Napa balikwas ako ng tayo ng bumukas ang pintuan ng office ni daddy. Saglit lang na bumati saakin si Tito at ang iba pa nitong kasama na mga business partners ata nila saka tuluyan silang umalis.

Si Cheri! Idi-nial ko nalang ang number niya at sinabing tapos na ang meeting. Sinabi niya rin saakin na intayin ko siya.

"Ate Cheri!" pagtawag ko sa kaniya ng maaninag ko siya. Pero umuna na siyang pumasok sa pinto at hindi na niya ako hinintay. Pinilit kong pangitiin ang sarili ko. Baka hindi niya lang ako napansin.

Pinasok ko na ang office ni daddy at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa grade ni ate Cheri. Sana matuwa rin siya sa grades ko.

"Sullen? What are you doing here?" he said in a husky voice. Unti-unti akong lumapit kay dad at iniabot ang grades ko.

"Your grades are higher that your ate Cheri.." ani daddy at nakita ko ang talim ng tingin saakin ni ate Cheri. "But, don't put too much effort. Hindi ko naman balak ibigay sa iyo ang company. Tutal nandito narin naman kayo ipapaliwanag ko na ang lahat, to make things clear and for you not to get disappointed. Take a seat."

Agad naming sinunod ang sinabi ni daddy. I'm nervous, i don't know why!? Iba ang pakiramdam ko tungkol dito.

"I'll make this short. 90% of my wealth ay mapupunta kay Cheri, the company, this mansion, the resorts, the planes, my money and every luxurious things I owned. While the 10% ay mapupunta sayo, Sullen. I will give you 8 million dollars for you to have a good start."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni daddy. Nangangatal ako. I mean, wala akong pakialam sa mga pamana pero masyadong unfair. Naiiyak na ako. Matagal ko na namang ramdam na ayaw sa akin ni daddy pero pinilit ko parin, sucks.

"Everything's clear? Any complaints?"

"Yes it's clear daddy, I have no complaints." nang-aasar na ani Cheri. "Maybe Sullen? May reklamo ka ba?" pang-aasar pa lalo nito.

Ang tanging nagawa ko lamang ay ang umiling. What can I do? I'm just a 14 year old girl with my bossy dad and b*tchy sister.

Wala akong nagawa mag damag kundi isipin kung saan ba ako nagkamali at ini-iyak ang lahat ng sakit.

End of flashback

Halos lahat sinasabing kamukha ko si mom while kamukha ni Cheri si dad. Wala na si mom, namatay siya nong araw isinilang niya ako. Maybe that's one of the reasons why dad is treating me like that. Well, it doesn't matter anymore. I've changed.

It's my wedding day and the funny thing is, wala atang balak sumipot ang groom ko.

How cruel this life is.

Ang pari lang ang kasama ko dito sa garden, dito ko naisipang magpakasal. Walang kahit sinong relatives ko ang pumunta at pati ata groom hindi na pupunta, halos two and a half hours na akong naghihintay. Tinungo ko na ang kinaroroonan ng pari na inip na rin.

"Father, let's cancel this wedding. Mukhang tinakbuhan ako ng lalaking papakasalan ko." pait akong tumawa at naglakad na papalayo sa wedding location.

Life sucks indeed.

-

Disclaimer: This story is a work of fiction. Places, events, names, business, and characters are just a product of the author's imagination. Any affinity to actual person living or dead is a pure coincidence.

Read at your own risk.

Plagiarism is a crime.

Sorry for the errors.

DestinationOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz