"Stupid. " nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.


"Kung hindi ka naman kasi walang utak, hindi mangyayari sa 'yo 'yon. " aniya bago ako tinalikuran. "A-anong tinawag mo sa akin?! " galit na sigaw ko bago ako lumapit sa kaniya.


"Stupid. Brain-less. " aniya bago nagsimula ng maglakad palayo. Hindi naman ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya.


"Bastard!! " mariing sigaw ko. Susundan ko pa sana siya ng may pumigil sa 'kin. "Hayaan mo na siya, mainit lang talaga ang ulo niya ngayon. " nilingon ko naman ang nagsalita.


"Pero nakakainis kasi! " inis na utas ko sa lalakeng green ang buhok.


"Dapat nga mag-pasalamat ka dahil hindi lang niya pinawala ang sakit ng nangyari sa iyo, pinawala niya din ang sakit ng mga paa mo. " napalingon naman ako sa lalakeng pula ang buhok.


"Nagpasalamat naman ako sa kaniya kanina. " naka-irap na saad ko. At oo nga 'no.. wala na yung sakit ng mga paa ko.


"Tsk, sabi na't baka maging sagabal lang iyan sa atin eh. " saad nung lalakeng pula ang buhok bago nakapamulsang umalis.


"Ayy, Anghel, hayaan mo na 'yong mga 'yon, may dalaw kasi. Alam mo na, kabuwanan nila. " bahagya akong napatawa dahil sa sinabi nung lalakeng puti ang buhok.


"Anong pangalan mo? " napa-isip naman ako sa tanong nung lalakeng green ang buhok. Sasabihin ko ba?


"Eliana.. Eliana ang pangalan ko, "


"Ang ganda naman! Pero tatawagin pa din kitang Anghel, Anghel ng buhay ko, ayi -- AWW! " napahawak naman siya sa batok niya ng batukan siya nung lalakeng green ang buhok.


"Ang landi mo talaga, " naiiling na saad nung lalakeng green ang buhok. "By the way, I'm Theo, an Earth Elementalist. " aniya na nakapagpakunot sa noo ko.


"Earth Elementalist? Ano yun? " tanong ko. Napakunot naman din ang noo nila. "Saang dimension ka ba galing at hindi mo alam yun? " tanong ni Theo sa akin.


"A-ah.. I mean! Syempre alam ko yun, just kidding. Masama na ba magjoke? " ani ko. Mas lalo lang kumunot ang noo nila.


"Sabi mo eh, " sabay na litanya nila.


"I'm Daniel, an Air Elementalist. Nice to meet you Anghel. " hinawakan pa nung lalakeng puti ang buhok ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "What the.. "


Nakangiti siyang humarap sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin.


"ARAAYYY! " sigaw niya bago hinawakan ang ilong niyang sinuntok ko.


"Who gave you the rights to kiss the back of my hand? " malamig na tanong ko.


"Hindi ka naman mabiro Anghel! " aniya bago umatras ng kaunti. "Bumalik na tayo sa Academy. Siguradong nandoon na sina Kairo. " saad ni Theo at nanguna na sa paglalakad.


"Lumayo-layo ka sa akin kung ayaw mong lagyan ko ng gripo 'yang tagiliran mo. " umatras naman ng bahagya si Daniel dahil sa tinuran ko.


Okay, back to the old Eliana.


"Who's Kairo by the way? " tanong ko. Napalingon naman siya sa akin habang patuloy pa din sa paglalakad. "The one with red hair, he's a Fire Elementalist. " nakasimangot na sagot niya.


"Who's the one with black hair? " tanong ko pa. "He's our Captain. " maiksing sagot niya.


"What's his name? " sige, ako na maraming tanong.


She is Her [(on-going) slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon