Chapter 3

28 6 16
                                    



Chapter 3 : The Leader


***


Eliana's POV


"E-ESTAVI Oplasis.. " ani ko, luminga-linga kami sa paligid para tingnan kung saan lumitaw ang portal pero wala.


"Bakit walang nangyari? " tanong nung lalakeng green ang buhok.


"H-hindi ko alam, iyon naman -- AAHHH! " sigaw ko dahil para akong namimilipit sa sakit.


Parang sinusunog ang buong katawan ko!


Napabitaw ako sa pagkakahawak nung lalakeng puti ang buhok sa akin at napahiga ako sa damuhan. "Ang init! AAHHH! " sigaw ko pa at nagsimula ng manggilid ang mga luha ko.


"A-ang sakit!! " daing ko pa.


"Shit! Anong nangyayari kay Anghel?! " napatakip ako sa mukha ko ng maramdaman kong parang malalapnos ang mga balat ko.


"Anong ginawa mo Kairo?!  "


"I'm not the one who done it! Tss! " malamig na sigaw ang narinig ko. "Anong nangyayari?! " ramdam ko ang paglapit nilang tatlo sa akin.


"AAHHH! Ang init! Ang init! " sigaw ko at napabaluktot na lang dahil sa sakit na nararamdaman. Namimilipit na ako sa sakit. Ano mang oras ay siguradong mahihimatay na ako.


"What the hell is happening in here? "


"CAPTAIN!! " sabay-sabay na sigaw nila.


"Captain tulungan mo si Anghel! Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kaniya! " sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.


"Binanggit niya lang yung spell kanina tapos bigla na lang siyang nagkaganiyan! " sigurado akong tinig iyon nung lalakeng green ang buhok. Habol-habol ko ang hininga ko dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin.


"She mistakenly spoke the spell. " napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang sakit.


"Novelestín. " sa isang salita lang niya ay agad gumaan ang pakiramdam ko.


Agad akong napamulat at sumagap ng maraming hangin. Nang makaupo ako ay agad akong niyakap ng kung sino. Hindi ko naman magawang kumalas dahil pakiramdam ko naubos ang lahat ng lakas ko.


"Mabuti naman at ayos ka na Anghel! " mariin akong napapikit ng meron na namang tumulong isang butil ng luha galing sa mata ko. "A-akala ko mamamatay na ako.. "


Malakas ka Eliana..


Malakas ako. Pero bakit ganito? Parang kanina nawala lahat ng tapang ko. Napalitan ng pangamba at takot. Akala ko 'yon na ang katapusan ko.


"Sshhh, okay na. " ani nung lalakeng puti ang buhok bago marahang hinaplos ang buhok ko. "Okay ka na ba? " tanong niya matapos kumalas sa yakap.


"Hmm, salamat. " ani ko ng hindi ngumingiti. Bakit ako ngingiti? We're not friends. "Huwag ka sa 'kin magpasalamat. Kay Captain dapat. " aniya bago ako inalalayang tumayo.


"Ito nga pala si Captain. " nilingon ko ang taong tinutukoy niya. Nakita ko ang isang lalakeng itim na itim ang buhok, singkit ang mga mata, mapupula ang mga labi, and he has a mole under his lip on the right side.


Perfect example of a Greek God.


"Salamat.. " ani ko, tiningnan niya lang ako ng malamig.


She is Her [(on-going) slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon