Yumuko ako sakanya at marahan kong kinuha ang kanyang isang kamay at inilagay sakanyang palad ang singsing.

Mula doon ay tiningnan ko ang kanyang mata na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Parehas kaming malalim humugot ng paghinga dahil narin sa pagiyak. Ilang pulgada lamang ang layo namin.


Bumagsak ang mga mata ko sa magkapatong namin na kamay, iniwan ko sakanya ang singsing at isinara ang kanyang palad.

"Just take it."

Mabilis na akong bumaba at lumabas sa pintuan, bumuga ako ng malakas na hangin. Para akong nakahinga ng maayos ng makalabas ako doon. Tila ba nag-aagawan kami ng lakas sa isa't isa dahil sa bigat ng nararamdaman naming dalawa.

Naging mabilis ang panahon pero walang araw na hindi ko sila naaalala. Their death were my biggest heartbreak.

Naging abala ako sa pagaaral madalas akong tawagan para kamustahin ni Auntie Noemi, pero madalang niya akong puntahan dito sa Maynila. Naalala ko noon nung mag prisinta akong uuwi sa Punta Fuego.

"Auntie bakasyon ngayon at wala akong masyadong gagawin, uuwi ak-"


"Hindi na Tasha, hintatyin mo na lang ako diyan at ako ang dadalaw sayo" Agap niya sa naisip kong plano.

Madalas ganito ang kanyang sinasabi. Ayaw niya akong umuuwi ng Punta fuego simula ng ihatid niya ako dito sa Maynila para mag aral.


Hindi na ako bata at alam ko na may itinatago siya, ang marangyang buhay na tinatamasa ko ngayon dito sa maynila ay isang malaking kuwestiyon parin sa akin pero iisa lang ang palagi niyang sagot.

"Basta mag-aral kang mabuti Tasha. Wala ng maraming pang tanong."

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pera sa pagaaral ko. Ang lahat ng meron ako ngayon ay alam kong hindi kayang tustusan ng isang guro sa isang publikong paaralan nagtatrabaho.

Ayokong magisip na may masamang ginagawa si Auntie pero I have faith in her. Siya nalang ang pamilya ko at alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. Pero siya ba ay hindi? I don't know, she don't wanna answer all of my questions.

Tulad ng sinabi niya ay nag-aral akong mabuti ng walang tanong. Mahal at mahirap ang kursong medisina pero pinagbubuti ko. ang mga pinapadalang pera sa account ko na ibinigay sakin ni Auntie ay halos hindi ko ginagalaw. Kumikita ako sa pag tutor sa mga classmate ko na may mga hindi maintindihan na subjects.

"Thank you Tasha! Hay nako, hindi ko talaga maintindihan tong Neuro girl!"

Mapilantik niyang hinawakan ang noo sabay ng kanyang reklamo.

"Mas magulo pa to sa utak ng Jowa ko e, promise!"

Natawa ako sa maarte niyang rants. Si Marco ay isa sa classmates ko na nagpapa- tutor sakin. He's gay but not out of the closet, moreno, matangkad at maganda ang kanyang katawan, kaya maraming babae parin ang may gusto sa kanya, at diring diri siya doon.

Andito kami sa condo niya ngayon kung saan lagi ang venue ng tutoring namin. Every thursday ang schedule at malapit lamang ito sa aming school. Malaki din ang bayad niya sakin at ng iba pa, kaya nakakaipon ako.

"Walang ano man babalik na ako sa paaralan."

"Okay go!"

Nakangiti siyang tumango mapilantik na kinuha ang susi ng pintuan at inihatid na ako haggang sa lobby kahit na hindi naman na kailangan.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon