My parents wedding rings.

Simpleng round gold plain lamang ito. Napansin ko ang naka engrave sa loob nito. 'My strength' lalong nanghina ang tuhod ko, at sa tingin ko ay hindi ko na kayang pigilan pa ang pag iyak. Naupo ako sa hagdan. Inilagay ko sa aking dibdib ang aking kamao kung saan nakapaloob ang dalawang singsing.

Nakita ko kung paano nila mahalin ang isa't isa, simpleng buhay man at minsan ay kapos sa pera ay nanatili silang matatag at nandiyan para sa isa't isa.

Both of you are my strength too.. Kanino na ako kukuha ng lakas ngayon?

Iniiyak ko ang lahat-lahat ng aking makakaya, hanggang mapagod ako at wala ng lumabas pang luha sa aking mga mata.

Ngayon ay tahimik na lamang akong nakaupo, isinandal ko sa gilid ng hagdan ang aking ulo, naubos ko ang lahat ng lakas ko sa pag iyak. At sa tingin ko ay maraming araw pa akong magiging ganito. Siguro ay hindi lang araw. Maaring buwan, o taon. Hindi ko alam. This is my first and biggest heart break. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan sa babang palapag kung nasaan ako ngayon. Kasabay nun ay ang pagtunog ng isang telepono.

"Maureen."  Malamig na boses na sagot ng lalaki. Ni hindi niya alam na nandito ako sa isang palapag ng hagdan at naririnig siya.

"Yeah. She's.. She's gone. Mom's gone."

Mula sa malamig na boses ay naging garagal ito. Narinig ko din ang lalim ng kanyang paghinga. Marahil ay tulad ko ay kanina pa niya pinipigil ang pag iyak.

"Hey, can't really talk right now. Umm, can you call later? Thanks Maureen." 

Yun lang at ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga pigil na hikbi sa baba. Hindi ko mapigilang maluhang muli. Parehas kami. Ngayong araw. Parehas kaming nawalan ng pinakamahal naming tao sa buhay.


Wala sa sarili akong tumayo at bumaba papunta sakanya, I know His pain, I know exactly how it feels, and all we need now is someone who can give us strength to get through this.

Nakita ko ang kanyang likuran, ang kanyang balikat na taas baba sa pag hikbi. Naka yuko siya at umiiyak sa kanyang mga braso.


This day, we both lose someone we love, someone who's there when we are weak. Someone who taught us to be strong.

I took three steps down. Ng pumantay na ako sakanya ay inabot ko ang singsing ni Mama.


Natigil siya sa pag iyak at mula sa pagsubsob sa braso ay umangat ang ulo niya para tignan ang palad ko kung nasaan ang singsing. Nakita ko gwapo niyang mukha ngunit malungkot niyang mga mata. Pulang pula siya sa pag iyak.

Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Ni hindi niya ako tinignan. Nanatili ang tingin niya sa aking palad na parang isa itong puzzle na kailangan niyang buuin.

I know this is weird. But only hurt people will understand. Yung malaman mo lang na may taong naiintindihan yung nararamdaman mo. Minsan nakakabawas na yun sa bigat.

"My dad's ring is enough to make me strong, here's my mom's. Take it."

Halos mabasag ang boses ko habang sinasabi iyon. Pero nanatili lang siyang nakatingin doon. I want him to take it right now, or I'll break down in front of him. And I don't want that to happen.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now