Chapter 2

4 0 0
                                    





|•Alaala•|

"S-siya yung k-kuya mo?" utal kong tanong kay Stella na nakaturo sa kanya.

"Yeah. Kuya ko sya" ngiting sagot nya pa."Kuya, she's my friend meet Clara. Clara, my Kuya Walter" pakilala nya pa

Ngumiti naman ako para di ako mapaghalatang kinakabahan ako."Hi Walter"

Tinignan nya lang ako na para wala akong kwenta. Yun na naman yung tingin nya sakin."Stella, kumain na tayo" seryosong sagot nya saka umalis.

"Hehe sorry Clara ah. Ganun lang talaga si Kuya. Pag pasensyahan mo na"

"Okay lang." natatawang sambit ko."Sige na kumain na kayo. Babalik na rin kasi ako sa room ko"

"O sige, kita nalang tayo mamaya"

"Sige"

------

AGAD naman akong bumalik sa room ko. Hindi ko naman napigilang sumigaw sa kahihiyan!

"AHHHHHH!!!!"

Napaupo nalang ako sa kama ko saka napahilamos sa mukha ko.

Muli ko namang inalala yung mga ginawa ko. Yung palihim ko syang pinicturan tas yun pala boss sya dito sa Resort na 'to?

Lupa kainin nyo na ako!!

Anytime pwede ko syang makita dito. Kuya rin pala sya ni Stella na ngayon close friend ko na. Ang liit talaga ng mundo.

Nag shower nalang ako at pagtapos nagbihis na rin ako. Nag short lang ako at oversized t-shirt. Medyo mainit na rin kasi kasi tanghali na.

*ding dong*

Napatingin naman ako sa may pintuan nang may nag door bell.

"Sino naman kaya yun?" takang tanong ko saka tumayo at lumabas ng kwarto ko.

*ding dong*

"Saglit lang!"

Pagbukas ko bumungad sakin si Stella na nakangiti pa."Uy Stella, may kailangan ka?"

"Yayayain lang sana kita mag buko juice kasama si Kuya."

O__O

"Ano?"

"Oo, tara na. Tapos na rin kaming kumain"

Takteng yan.

"Ano kase Stella..."

"Tara na! Naghihintay na satin si Kuya sa may cottege. Ngayon lang kasi sya may free time dahil mamayang 3 pm busy na yun"

'Ano pa bang magagawa ko?'

"O sige. Wait lang kukunin ko lang yung wallet at phone ko. Pasok ka muna"

"Sure"

Bumalik naman ako sa kwarto ko saka kinuha yung wallet at phone ko.

Ngayon naman, makakasama ko naman sya sa pagbubuko juice? Makikita ko naman sya.

Teka nga? Wala naman yung malisya Clara Marie. Ba't kaba naiilang?

Umakto ka na parang wala lang. Okay?

Okay.

"Inhale. Exhale" bulong ko pa habang bumubuntong hininga.

Lumabas na nga ako ng kwarto ko."Tara na Stella"

"Tara"

--------

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 28, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Clara & Walter: Not A Love StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ