"Sure."

"What's the name of your mommy?"

"Francine."

Tumingin si Kirsten sa akin na para bang biglang nagulo ang mundo nya. Pinilit nyang ngumiti at tinignan ulit si Clyde.

"And your dad? What's his name and where is he?"

"His name is Brandon Santos and he died three years ago."

" Oh! I'm so sorry, i did not know."

"It's ok. My mom said that he's already happy in heaven."

"Yeah, I bet he is." Tumayo na sa Kirsten at hinila ako sa bahagi ng bahay na malayo sa mag-yaya.

"I....aaaa.... he.... Who.... "

"Sige, kaya mo yan."

Itinuro nya yung bata. "Is he? I mean.. Anak ba sya ni Ysabelle?"

"Anak sya ni Francine, at kung talagang si Francine at Ysabelle ay iisa, then tama ang hinala mo."

"But how? How old is he anyway?"

"He's 5 and that's-"

"also the number of years that Ysabelle is missing!"

Sabay naming tinignan yung bata.

"Sino yung sinasabi ng bata na namatay 3 years ago?"

"Malalaman natin mamaya pagdating ni Aldrin. May tinawagan sya kagabi at mabilis namang nakapag-produce ng information. Iyon ang pinuntahan ni Aldrin sa Cebu."

"Bakit pa sya pumunta don? Uso naman e-mail."

"Hindi pwedeng i-e-mail ang mga classified documents na ganon. At ayaw namang ipagkatiwala ni Aldrin sa iba kaya sya na mismo ang kumuha ng mga dokumento."

"Hinawakan ni Kirsten ang noo nya. Ang gulo naman ng sitwasyon!"

Tinitigan ni Kirsten ulit si Clyde. "Kung yung Brandon ang sinasabi nyang ama nya, Bakit..... Bakit.... Why does he looks like..... "

"An Altamerano?"
Tumango lang si Kirsten.

***

"Akala ko ba ay iuuwi mo na ako? Bakit tayo pumunta dito? Are we even allowed to be here?"

"Walang sisita sa atin dito. Alumni naman tayo dito."

Naupo kami sa may bench sa ilalim ng puno na malapit sa soccer field. Malawak ang Campus, siguro kung makakapag-aral ulit ako. Gusto ko dito mag-enroll. Napaka-conducive ng environment. Ayun lang, mukhang mahal ang tuition dito at hindi basta basta ang nakakapag-aral dito at hindi kakayanin ng budget ko. Si Clyde na lang ang ipag-iipon ko. Kailangan pala ay ngayon pa lang ay mag-ipon na ako ng pang college nya para hindi sya matulad sa akin na nahirapang maghanap ng trabaho.

"What are you thinking?"

"Wala naman. Naisip ko lang na kung sana ay nakapagtapos ako ng pag-aaral, iba din kasi kung may pinanghahawakan kang diploma. Hindi sana ako nahirapang maghanap ng trabaho. At hindi sana ako kakaba-kaba na baka bigla akng tanggalin dahil hindi ako qualified."

Natahimik sya at nanlaki ang mga mata ko. I should never have said that! Ang tanga-tanga ko naman! CEO nga pala ng kompanyang pinag-ta-trabahuhan ko ang lalakeng ito! Lagot! Alam na nya ang sekreto ko! Baka masesante na ako nito!

"You're not gonna fire me aren't you?"

"And why would I do that?"

"Kasi hindi talaga ako qualified sa posisyon ko. Hindi ako college graduate at kahit transcript or kahit anong High School record ay wala akong pinanghahawakan. Nasunog kasi yung dating bahay namin at hindi ko na rin naasikasong mapalitan ang lahat ng mga importanteng dokumento ko."

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon