Ayoko ibigay ang gelatin ko sa taong hindi ako mahal. Mas maganda yung habang ng Jujug-jug .. ah ah kayo eh, mahal nyo ang isa't- isa. DIBA?! Mas better iyon.



Matapos naming kumain ay sinamahan kong mamamili ng mga damit itong dalawa kong alapin. Kawawa kasi sila walang masyadong nga damit. Kaya nilibre ko na. Joke lang!





"Shocks! Ang mahal naman nito! Mas mura pa sa ukay-ukay eh! Magaganda pa ang damit" Malakas na sabi ni Ajah kahit nasa tabi nya lang yung sales lady.




"Oo nga te, maganda pa quality ng tela!" pang sa ayon naman ni Giom. Napairap nalang ako sa dalawang ito, di na nahiya katabi lang yung sales lady. Pilit na ngiti ang binigay ko sa babaeng sales lady.




"Pero dahil pasikat tayo ngayon, bibilhan natin ito" Sabi ko sabay lagay sa kaliwang braso ang nagustuhan kong damit.




"Ay oo nga pala, mga pa richkid tayo ngayon" Nagugulat na sabi ni Ajah. Kinuha nya muli ang nakahanger na damit na gusto nya. Saka ako natawa na sinundan nilang dalawa.




Pag katapos ay dumeretso kami sa isang boutique. Nakatayo kaming tatlo sa harap ng magagarang damit nag iisip kung bibili kami. Sobrang mahal kasi ng presyo, naghihinayang kami sa pera. Hindi dahil sa hindi namin afford ang dress, kundi dahil naghihinayang talaga kami.





"Bakit naman kasi ganto ang ginawang presyo ni Ces" Nababagot na sabi ni Giom.



"Syempre pasikat ang gaga" Sagot ko.




Sa huli ay namili pa din kami ng Dress, kailangan namin bumili para sa susuotin mamayang gabi.




"King ina akala ko makakalibre tayo ng damit kay Ces" Reklamo ko habang nagtitingin pa.




"Hindi ko talaga sya babatiin mamaya, hinayupak sya" Giom.




"Bruha sya, itatapon ko talaga yung cake sa pagmumukha nya" Ajah "Ikaw anong gagawin mo?" tanong nya.




"Fingerin sya sa harap ng mga tao?" patanong na sagot ko. Malakas na tumawa ang dalawa.




"Puta, kadire"




Kinagabihan ay sa bahay ko na sila nag ayos at sabay sabay na kami nagbihis.

"Nag my day ang gaga, tuwang tuwa sa suot nyang dress, habang tayo nabuburaot sa kanya. Ang laki ng nilabas kong pera para sa mamahalin nyang dress" reklamo nanaman ni Giom


Hindi kami mahilig gumastos sa mamahaling gamit. Hindi ko alam pero pareho kaming tatlo, pwera lang talaga kay Ces, grabe kung magwaldas ng pera.

Forever Not ForeverWhere stories live. Discover now