“Ewan. Parang napakacasual lang nya sakin kanina. Ni hindi nga nya ko tinawag sa *tingin sakin*.. hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sayo ‘to.” - - Light



“Aba malamang! Sino kakausapin mo? Yang manibela mo?”



“Bahala ka sa buhay mo. Ililibre mo ko nang pizza ah. Ginawa mo kong driver, naghihirap na ko sa pagpapagas.” - - Light



“Diba sabi mo mayaman ka? Barya lang sayo ‘yan.”



“Manahimik ka dyan kung ayaw mong ibalik kita sa Villa d'Este at ipapakain ko sayo yung pizza nila na may halong ampalaya leaves.” - - Light



TT_TT Alam naman pala nya kung bakit ayoko nang pizza nila eh. Bwiset much!



“Si Gecca ba… laging ganun sayo?”



Tiningnan nya ko nang masama.



“Dali na! Hindi ka sasagutin nang manibela mo. Ako kahit papano may masasabing kapakipakinabang.”



“Bago ako umalis nang Manila ganun na sya… hindi lang pala nun. Minsan cold din sya minsan naman sweet din. Hindi ko talaga kayo maintindihang mga babae.” - - Light



“Sino ba naman kasi nagsabing intindihin mo kami? . . . Baka naman kasing may mali kang ginawa kaya ganyan si Gecca sayo.”



“Ano naman? Ginagawa ko naman ang lahat sa relationship namin kahit alam ko…” - - Light



“Kahit alam mong??”



“W-Wala… kinalimutan ko na ‘yun. Napatawad ko na sya.” - - Light



“Wow! Mabait ka pa lang boyfriend nuh! Demonyo ka namang kaaway.”

Frozen Hearted PrincessesWhere stories live. Discover now