Who is she? (Parts 1 & 2)

Start from the beginning
                                    

Bago umpisahan yung pagpapatulog samin, binalaan nya muna kami na vulnerable ang katawan namin sa ganung estado. Once na may sumunod samin na entity, may tyansa na hindi na kami makabalik sa sarili naming katawan. Kaya hangga't maaari ay huwag naming tatagalan ang paggagala sa mundo na yun.

Pinahiga niya kami sa kama. Magkahiwalay. Nakaupo sya sa upuan, sa pagitan namin. Naglabas sya ng orasan na kasing laki ng mukha at dahil sa sobrang tahimik ng lugar, dinig na dinig namin yung pag-tiktok ng kamay nito.

Doc: Babalik kayo sa lugar kung saan lahat ng bagay ay posible para tapusin ang inyong inumpisahan. Sundan nyo ang tunog ng orasan at gagabayan kayo nito pabalik sa katotohanan.

Hanggang sa nakatulog na kami.

Nagising kami na magkatabi. Pero ang lugar, nasa gitna kami ng sobrang lawak na garden. Halos hindi mo matanaw yung dulo. Lanta na yung mga halaman at halatang napabayaan na yung lugar.

Aurora: Dito ang daan. Nakarating na ko dito.

Naglakad kami saliwa sa sikat ng araw, papunta sa masukal na punuan. Habang palapit ng palapit, padilim ng padilim ang paligid. Halos parang gabi na sa dilim at nakarating kami sa likod ng malaking bahay. Iba sa unang bahay na nakita ko noon. Pumasok kami pero napaatras ulit ako sa dami ng tao. Ganun pa din ang itsura nila. Mga nakangisi at patay ang ekspresyon ng mata.

Aurora: Mga kaluluwang ligaw ang mga yan. Hanggang ngayon hindi pa sila nakakakita ng katawan na papasukan o kaya naman ay hindi pa sila nare-reincarnate sa bagong katawan.
Ako: Paano mo nalaman? Hindi ka ba natatakot?
Aurora: Pinaliwanag sakin ni doc. Takot pero masasanay ka din. Ang kailangan nating gawin, makapasok sa kwarto sa taas ng hindi niya nalalaman.
Ako: Nalalaman nino?
Aurora: Basta sumunod ka na lang sakin.

Sa lahat ng oras na yun, halos nakapikit lang ako. Hindi ko kayang titigan yung mga nilalang na nasa paligid namin. Habang tumatagal, palala ng palala. Hanggang sa makarating kami sa paanan ng hagdan. "Huwag kang maingay kung ayaw mong hindi na makalabas sa panaginip na 'to", sabi nya sakin. Napalunok ako ng isang basong laway sa takot. Akala ko naman kasi aalamin lang namin yung mangyayari sa love story ni Felicia at Fernan pero bakit napunta sa ganito yung istorya?.

Dahan-dahan kaming umakyat. As in walang sounds, cat walk kumbaga. Nakarating kami sa harap ng malaking pinto. Kulay itim at gawa sa bakal. Inutusan nya ako na buksan ko yun kasi kahit anong gawin niya daw, hindi nya mabuksan yung pintuan na yun (napaisip ako na ang payat-payat ko, paano ko mabubuksan 'to?). Ako naman si uto-uto, hinawakan ko yung nagsisilbing hawakan na bakal na pabilog sabay hila gamit lahat ang lakas ko. *insert biceps emoticon* Unti-unting bumukas yung pinto pero lumangitngit yung pinto kaya nakagawa ng creepy sounds. Binilisan ko ang pagbukas at hinila nya ako kaagad papasok sa loob. At tinulungan ko sya na itulak pabalik yung pinto.

Nakapasok kami sa isang silid na puro mannequin ang laman. Bawat sulok may mga matang pakiramdam mo sayo lang nakatitig. Mga mata na patay pero ramdam mong yung panlilisik. Hinawakan ko siya sa kamay, tinitigan ko siya na parang sinasabi ko na "Baka gusto mong magpaliwanag?". Agad siyang humikab at nagsalita.

Aurora: Parte 'to ng panaginip natin. Pagkatapos mong mabaril, dinala nila ako sa malayong lugar. Sumunod na nangyari, buntis na ako at ikaw ang ama. Tapos nanganak ako, alam mo ba kung gaano kasakit ang manganak? Mas masakit pa yun sa naramdaman mo nung nabaril ka. Tapos may pumunta sa bahay, pilit nilang kinukuha yung anak ko. Wala akong nagawa! Kaya ngayon babawiin natin siya pero hindi tao o espiritu yung kumuha ng anak natin.
Ako: *utak ko nagpo-process.... Processing.... Nag-blue screen* Haaaa? Ano? (isipin mo yun! nagkaanak ako sa panaginip? pero mas curious ako sa kung paano nila ginawa yung baby hahaha! joke).
Aurora: Sumunod ka na lang sakin para malaman mo.
Ako: Bakit kailangan pa nating isalba? Panaginip lang naman 'to.
Aurora: Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Totoong tao ka. Totoong tao ako. What if kung saang dako ng mundo ay totoo yung bata na yun? At hindi siya makabalik sa sarili niyang katawan? Masisikmura mo bang pabayaan na lang siya?
Ako: *guilty* *napahiya ako sa sinabi ko*. Pero gawin natin 'to ng mabilis.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now