CHAPTER:53:KIEL OR GIAN?

Începe de la început
                                    

Naiwan kaming dalawa ni Gian,hindi ito nagsasalita basta nakatingin lang ito sakin,unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito,mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko,ngumiti lang ako at pagkaraan nang ilang minuto dumating na si kiel na halata mong nagmadali pa sa pag-ihing ginawa

pasensya napag… “ natigilan ito sa pagsasalita nang dumako ang mga mata nito sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Gian,para itong maiiyak na hindi maintindihan pero pinilit parin nitong magpaka normal

I’m sorry kiel..hindi ko na ito patatagalin pa..si Gian ang pinili ko! kitang-kita mo ang biglang pagbagsak nang luha nito,ni hindi ito makapag salita at nakaawang lang ang bibig na nakatingin lang samin

pasensya na pare..respeto nalang sana sa ginawa niyang desisyon! napaluhod ito sa lupa at napatungo nalang,yumuyugyog din ang balikat nito at maririnig mo ang pag-iyak na namumutawi sa bibig nito

mahal na mahal kita cass…mahal na mahal..pero kung..kung sa kanya ka sasaya..sige lang hahayaan na kita.hahayaan na kita.. basag na basag na ang boses nito,napakagat labi ako sa pagpipigil na maiyak

Mahal ko din sya,sobrang mahal din kita kiel kung alam mo lang,pero sa tingin ko kasi hanggang dito nalang talaga tayo dahil alam ko hindi tayo magiging masaya sa isat-isa kung hanggang nagyon nasa puso mo pa din si kate..

Iniwan namin siya ni Gian sa park,nagtuloy kami sa bahay nito,hindi ko masasabing masaya ako sa naging desisyon ko dahil sobra din akong nasaktan sa ginawa ko,pero ito ang nararapat,kay Gian alam ko hindi na ako masasaktan pa at iiyak,siya ang una kong minahal kaya hindi na rin siguro mahirap na maibalik ko ang pagmamahal ko sa kanya

GIAN’S POV

Ako ang pinili nya pero masaya ba talaga siya sa ginawa niyang desisyon?..sa araw-araw na nagkakasama kami ginawa kong lahat mapangiti lang siya,ngumingiti siya sakin pero alam ko may kulang pa din,alam ko hanggang ngayon si Kiel pa din ang mahal niya

Natutuwa akong ako ang pinili niya,sobra ko kasi siyang mahal na kahit ano gagawin ko para lang sa kanya,pero sapat naba talaga ang pagmamahal kong maibibigay sa kanya kung ang puso niya ay patuloy pading nagmamahal nang iba?!

Nanood kami nang sine at niyaya ko siya kung saang alam kong magiging masaya siya,nag-eenjoy naman siyang kasama ako pero totoo ba yun?o nagpapanggap lang siya para hindi niya ako masaktan,mahal ko siya pero hindi naman pwedeng palagi nalang ako ang nagmamahal

Hindi ako sakim na tao kaya kung hihilingin niyang palayain ko siya gagawin ko kahit ang kapalit ay pasakit na naman sakin,malapit na ang graduation namin at sa London na ako titira pagka graduate ko,gusto kasi nang mga magulang kong magkasama-sama na kami at dun ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko

Pero bago ang lahat gusto ko munang malaman kung ano ba talaga ang nilalaman nang puso ni Cass,kung naibalik na’ba niya ang pag-ibig sakin o hindi?.kailangan kong malaman dahil doon ko ibabase kung sasama ako o hindi sa pamilya ko

Pabalik na kami nang room,magkasama kaming dalawa,ngumingiti siya sa mga joke na sinasabi ko pero ang ngiting iyon ay pilit lamang,hinawakan kong kamay niya at niyakap siya nang mahigpit,halata namang nagulat ito sa ginawa ko,nakita kami ni Kiel at nakita kong nasaktan ito,Mahal niya talaga si Cass

kung papalayain naba kita CASS magiging masaya ka kaya?..magiging masaya ka kaya sa piling niya?!..pero ang tanong kaya ko ba?kaya ko bang mawala siya ulit sa buhay ko!..matagal akong naghintay,matagal akong nagtiis na muli siyang mahagkan at mayakap,hindi ko yata kakayanin kung mawawala pa ulit siya sakin

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum