Chapter 1

6 0 0
                                    




|•Simula•|

"HI!" napalingon naman ako bigla sa likod ko. Bumungad sakin ang isang magandang babae. Mukhang bakasyonista rin sya dahil naka summer dress sya.

"Hi" ngiting bati ko rin.
"Bakasyonista ka rin dito?"

I nodded."Oo, kararating ko lang kanina"

"Ah by the way I'm Stella. Kahapon lang din ang dating ko" aniya saka inilahad ang kamay nya sa harapan ko kaya nakipag kamay na rin ako.

"Clara" saad ko.

"Buti nalang nakita kita. Mukha ka kasing nag iisa kaya nilapitan kita. Sinundan ko kasi yung kuya ko dito. Ikaw? Wala ka bang kasama?"

'Tingin mo meron?'

Umiling ako."Wala akong kasama. Ako lang mag isa"

"Ah.. tutal magkakilala na tayo. Tara kain na tayo" yaya nya pa kaya napatango nalang ako.

------

"BAKIT ka nga pala nagbakasyon dito?" tanong nya pa habang kumakain ng tempura.

Napatigil naman ako sa pagkain ko. Naalala ko na naman.

"Huy."

Napatingin naman ako sa kanya."Ha?"

"Okay ka lang ba?" natatawang tanong nya."Kanina ka pa tahimik."

"W-wala."

"So bakit ka nga nagbakasyon dito?"

"Nakita ko kasi 'tong resort sa internet and nalaman kong sikat 'to at maganda kaya pumunta ako dito para magbakasyon besides summer naman"

"Ah...ako kase sinundan ko yung kuya ko dito"

"Hmm.." tatango tangong sagot ko.

-----

AFTER naming kumain ng lunch ay nagpaalam na rin sakin si Stella na pupuntahan daw muna nya yung kuya nya.

Sino kaya yung kuya nya?

Oh. Iba yung iniisip nyo wag kayong ano!

Syempre gusto ko lang makita. Yun lang.

Pumunta nalang ako sa room ko saka naisipang tawagan si Nay Alma. Nasabi nya rin na tawagan ko sya kapag nakarating na ako dito.

"Kumusta ka dyan, anak?"

"Okay lang po ako dito Nay Alma. Kayo?"

"Ito ayos lang. Hinahanap ka nga nila Betty, nasan ka raw"

"2 months lang po akong mawawala tsaka nandito lang din ako sa Batangas."

"Maganda ba dyan?"

Tinapat ko naman yung camera sa may malaking salamin."Yan"

"Wow. Ang ganda naman dyan"

"Dapat kasi nay, sumama kayo eh"

"Hindi ko naman magagawa yan eh. Tsaka wala akong hilig dyan sa mga ganyan"

Napailing nalang ako. Wala palang hilig sa mga ganito si Nay Alma.

"Sige nak, baba ko na 'to. Marami pa akong gagawin"

"Sige nay, magpahinga kayo ah. I love you"

"I love you too. Sige"

End video call..

Lumbabas nalang ako ng room dala yung camera ko na Canon EOS 90d, actaully photographer rin ako. Habang naglalakad ako papuntang elevator may isang lalakeng nakatayo dun at nag aabang rin na bumukas yun.

Clara & Walter: Not A Love StoryWhere stories live. Discover now