"Kayo na muna bahala dito, I'll get the kids out of here" sabi ni Sir Tizero at may kung ano pa silang pinag uusapan.

"Let's go" ang hiling ko lang ngayon ay maiwasan na may makakita sa amin dito. Knowing na ang dali lang magbintang.

-

Sila sir Tizero, Sir Keane at si Mise Jinea ay nasa baba lang. Habang kami ay nasa kanya kanyang kwarto except for me dahil nandito ako sa harap ng kwarto ni Hixiel.

"Hixiel?" I called out her name pero walang sumagot. Binuksan ko yung pinto niya at nakita ko siyang nakaupo sa sahig na may hawak na litrato.

"Ako ito at si Camille. This was taken the day before namatay siya" tinignan ko yung litrato naka itim silang dalawa. I didn't know na close sila ni Camille.

"Let's do the open forum" hindi ko alam kung kakabahan na ba ako o hindi.

"I'll just call them" tumayo na ako at hinanda yung sarili ko pero nung buksan ko yung pinto nandun na sila Gannet. Almost all of them ay nandito na pero wala si Huero.

"Kinakausap pa siya ng kuya niya" tumango ako kay Synver at pinapasok siya.

"Let's settle down at hintayin natin si Huero and you guys better start talking" tinignan ko sila ng masama.

Speaking of the devil. Umupo naman ito sa tabi ni Hixiel. Teka lang ha ang kapal niyang tumabi diyan after all sa pagduda niya? Gago.

"Ok talk" malamig kong sabi kay Gannet and I can sense hatred sa kanya hindi ko alam kay Hixiel ba. Ano ba ang alam nila na hindi nila magawang masabi.

"Calvin and I are cousins, we're close but not until nung nagsimula magka initan yung grupo natin"

"The night before Camille died nakita ko si Hixiel at Calvin na magkasama. They we're talking akala ko saglit lang iyon but nung bumalik ako para kausapin si Calvin dahil nga doon sa nangyari pero nakita ko parin silang nag uusap sa may corner ng garden, nanduon parin sa dorm ng Iris. And I before I left narinig kong silang nagsalita na magbabayad daw tayo. Kaya nagmamadali akong bumalik sa dorm. That's why I was asking you anong alam mo. All of this are connected lalo na nung alam mo saan makikita si Kuya Ejeni" wait hindi ko rin napansin si Hixiel that night pero nakita ko naman siya before kami kumain.

Napatingin ako ng matawa si Hixiel. Her laugh sounds evil. Yung mukha niya, mukhang nang iinis at tinignan si Gannet ng masama.

"Yun lang? Hindi mo man lang magawang mag tanong sa akin? Since nagtutulakan tayo edi may sasabihin ako. Ako ba talaga? Oh ikaw Gannet? Simula nung nangyari sa akin yun ako na pinag iinitan mo akala mo hindi ko mapapansin? Hindi pa naman sira yung utak ko para ibitay ko rin sarili ko doubting that all of  might not be able to save me. Baka ikaw talaga yung may kinalaman at hindi ako? Pilit mo kasing pinapahid sakin yan eh" this time na alerto na kami. We don't know what might happen. Maybe they'll throw hurtful words.

"Yung iba diyan sabihin niyo na yung pinag dududahan niyo sa akin para maisa ko ng explain kasi mukhang naging tanga kayo eh at tinuon niyo lang mindset niyo sa akin na may alam kuno. Tang ina lang" mapait na ngumiti si Hixiel pero tinignan ko yung natirang apat pero nakayuko sila.

"So don't tell me naghinala rin kayo sa akin dahil kay Gannet? Kung may ibang reason spill. Tutal we did this para magkaalaman" naiinis na ako. Half of us naniwala dun na hindi naman sila sigurado kung may pinanghahawakan talaga.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon