003

646 62 43
                                    


petunia dormitory
────────────

Rhesia

Ang sakit ng katawan ko. Grabe, biglaan kasi nung amazing race kahapon. Hindi man lang ako nakapag stretch.

"Miss Rhesia don't forget to take your meds later 5 pm" nag thumbs up ako kay Nurse Jen at lumabas na sa clinic.

Minamasahe ko yung balakang ko pati narin braso ko. Bigla akong nilagnat kanina tsaka nagka muscle pain rin ako. Ang aga pang umuwi sa dorm pero mas lumalala yung pakiramdam ko sa clinic parang hindi ako gagaling doon.

"Kuya sa Petunia Dormitory po, na excuse na po ako sa classes ko dahil may sakit po ako" pinakita ko yung letter ni Nurse Jen. Nagsimula ng umandar yung mini bus papunta sa dorm.

Lahat ng estudyante dito sa Weingenlied University ay pinapa stay sa mga dormitories na pinapamahalaan ng university. Mixes yung mga genders pero iba iba ng rooms. May caretaker, or tinatawag namin na manager sa dorm. Sila yung head kumabaga.

Every event dito sa university connected sa dormitories. For example kapag University Days kapag bentahan hindi iyon by block kundi by dormitories. Kahit 2nd year or 3rd year pa iyan as long as same dormitory kayo ang ka teammate.

Sa Petunia Dormitories, we're actually 31 I think. Ah 12 1st year college, kabilang na ako doom. Eight 2nd year, ten 3rd years and one 4th year.

Bago makapasok sa mga dormitories may ipapagawa pa yung head or yung caretaker. If makakapasa ka pwede ka na magstay dito and kapag hindi pwede ka mag try sa iba pero kung gusto mo talaga doon sa dormitory na pinili mo, you can retake the mission or whatsoever as long as you can.

Si Gannet nga umabot ng 1 buwan bago nakapasok dito. Yung pinagawa sa kanya ay magluto ng 50 servings na beef steak in 1 hour.

Petunia Dormitory, ito yung dorm na medyo malayo sa iba dahil from the past achievements of our alumni here they've earned a lot of prizes including na yung field sa likod ng dorm. Where in doon kami gumagawa ng mga outdoor activities.

But ito yung dorm na malapit - lapit sa campus namin sa mga college yung iba kasi ang layo kaya madami din gusto tumira dito sa dorm.

"Miss nandito na tayo"

"Salamat po" agad akong bumaba at binuksan yung gate. Nasa labas si Mrs. Tado nagbibilad sa araw. Mukhang gulat siya ng makita ako.

"Nag cutting ka na naman Rhesia?" cutting? Isang beses lang kaya tapos na naman?

"Hindi po, pinauwi ako ni Nurse Jen dahil nilalagnat ako" binigay ko kay Mrs. Tado yung letter at mukhang na niwala naman siya.

"Ano ba ginawa niyo sa klase kahapon? Umuwi rin si Rovier at Gallem dahil nilagnat din" si Gallem? Si Rovier, oo kasi may sinat yun kahapon eh. Pamatayan din kasi yung amazing race kala mo mamatay ka kapag di kayo ang manalo.

"Oh siya pumasok ka na may niluto akong lugaw doon" ngumiti ako ng malawak at hinalikan sa noo si Mrs. Tado.

"Kaya nga gusto ko dito maalaga eh" agad akong tumakbo papasok ng ramdam kong naaalog utak ko.

"Welcome sa team masakitin Rhesia, ito oh lugaw" salubong sa akin ni Rovier na nakaupo na sahig pati na rin si Gallem. Inabot rin ni Gallem yung kumot at ngumuso sa bakanteng lugar.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon