Poem #2

8 1 0
                                    

01 • 02 • 20

Heartbroken

Naranasan mo na bang magmahal?
Naranasan mo na bang masaktan,
Maiwang luhaan at sugatan?

Siguro, alam mo naman na
Sa iyong kasiyahan, ayokong maging sagabal
Sa iyong kalungkutan, gusto kitang damayan

Handa akong tulungan ka
Handa akong pagsilbihan ka
Handa akong ibigay ang lahat para sayo

Talikuran man ako ng mundo
Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo
Ngunit, ako'y tinalikuran mo

Ako pala para sayo'y isang pabigat
Para sayo pala'y isa lamang akong alalay
Matanong ko nga, minahal mo ba talaga ako?

Siguro kaya sumabog itong aking puso
Sa isang milyong durog-durog na piraso
Siguro dahil ito sa sobrang pagmamahal ko sayo

Sa sobrang pagmamahal na aking nilaan
Ang sarili ko'y di ko naalagaan
At ang puso ko'y di ko nabantayan

Ako lamang ay iyong pinaglaruan
Heto nanaman ako't naiwang luhaan
Sapagkat ang puso ko'y sa maling tao ko inilaan

Daily Dose of PoetryWhere stories live. Discover now