01 • 01 • 20
Friendship Over
Sabi nila, hindi na daw tayo mapaghiwalay
Na kahit paglayuin pa man tayo ng tadhana
Babalik at babalik pa din tayo sa isa't isa
Sabi nila, daig pa natin ang magkapatid
Sabagay, nagsumpaan naman tayong dalawa
Hindi man tayo magkadugo, magkapatid pa din tayo
Magkasama tayo sa lahat ng sakit at saya
Magkasama tayong lumaban sa hirap ng buhay
Sandigan natin ang isa't isa
Lahat ginawa natin ng magkasama
Ang hirap pala pag nawalan ka ng kaibigan
Ano bang nangyari sa ating dalawa?
YOU ARE READING
Daily Dose of Poetry
PoetryA New Year. A New Decade. A New Beginning. A New Compilation of Poetry.
