Chapter 28: Midnight Phone Call

Magsimula sa umpisa
                                    

“Oo malalim.”

“Then don’t call me!” Naiinis kong sabi sakanya. Tatawagan niya ako para lang mag-isip siya? “I have a question pa naman! But gee! Bye na nga. Mag-isip ka nalang dyan forever!”

“Jeling... Galit ka?” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tono ng boses niya ngayon. Kung kikilabutan ba ako o kikiligin. May halong panglalambing kasi, e! ToT

“Ano ba kasing iniisip mo? Parang nang-aasar ka lang, e. Tingin ko tuloy hindi na ako makakatulog dahil naha-high blood na ako sayo ngayon.” Kako sakanya. Hindi ko nga namalayan na nakaupo na ulit ako ngayon. Nawala na ang antok ko dahil sakanya.

“Kung anong magiging tawagan natin. Pwede naman kitang kantahan mamaya para makatulog ka. Ano palang itatanong mo?”

“Tawagan? Anong sinasabi mo dyan? Anong tawagan naman ‘yan?”

“Endearment! Ano ba naman ‘to parang hindi nagkaboyfriend.” Parang ‘duh’ na mahabang version lang ang sinabi niya ngayon. Ang sarkastik din niya kung gugustuhin niya.

“Seriously? Iyan talaga ang iniisip mo?” Muli akong huminga nang malalim at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Bakit ba ang weird niya?

“Ano nga kasing itatanong mo?” Kung tayo pa ba? Yun lang naman ang itatanong ko sakanya kaya lang nasagot na pala.

“Wala na nalimutan ko na.” Muli akong nahiga at pumikit. Susubukan ko lang kung matutulugan ko siya. Kaya lang sobrang na-HB ako sakanya kanina. Feeling ko ang active ng dugo sa katawan ko ngayon.

“Babe sana ang itatawag ko sayo kaso common. Baka yun din ang itinawag mo sa ex mo noon. Ayaw ko.” Para siyang naasar ngayon dahil sa mga naiisip niya.

“Naka-pout ka ba?” Tanong ko sakanya pero imbes na sumagot siya ay natawa siya sa tanong ko.

“Medyo lang. Ini-imagine mo ba ako? Nakahiga ako ngayon at nakapikit. At kinakausap ka. Huwag mo akong hubaran.” Biro niya pero sa totoo lang ini-imagine ko nga ang hitsura niyang naka-pout. Ang cute kasi niya kaninang tanghali nang makita ko siyang naka-pout. Mukha siyang bata.

“Matino ang damit mo sa imagination ko.” Totoo ang sinabi kong iyon. Kahit sa imagination ko lang sana ay tumino naman siya. Yung hindi sinusuot ang mga bigay ni lola dahil trip lang niya. Este ni lola. “Chocolate or Vanilla?” Random kong tanong.

“Vanilla. Libro o American Series?” Tanong niya naman saakin. Ano bang trip namin bigla?

“Books. Dog or cat?”

“Both. Manicure sa kamay o manicure sa paa?” Bigla akong natawa dahil sa tanong niya. Baliw talaga siya kahit kalian.

“Pedicure kasi yun. Both.” Ilang oras kaming nagtatanungan ng kung anu-ano.

Mahilig siya sa sapatos. Mas gusto pa rin niya ang baseball kaysa sa basketball. Madami pa akong natanong pero hindi ko na natandaan yung iba sa dami.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon