Chapter 28: Midnight Phone Call

Magsimula sa umpisa
                                    

“Nah. Not really. So ikaw, magkwento ka rin.”

“Sinubukan ko yung sinabi mo. May dini-date ako ngayon. Tinawagan kita para sabihin ‘yun baka sakaling magselos ka.” 

“Oh geez! As if naman Erick. But anyway, I’m happy for you. So you like her?”

“Not really. We’re cool though. Hindi siya nagdedemand. She’s nice and cute.”

“That’s great.” Mas nauna akong magkaboyfriend pero mukhang mas may spark pa sina Erick at ang dini-date niya ngayon. But i’m really happy for him. “Napaaway ka dahil sakanya, ano?”

“Medyo. O siya, matutulog na ako. Kapag pinaiyak ka nung exotic mong boyfriend. Sabihin mo kaagad saakin. Baka sakaling pwede ulit manligaw. Goodnight.” He hung up after that. But actually I doubt it. Baka hindi naman ako umiyak dahil kay D. He’s nice... Well, sort of.

Kakapikit ko palang ng mga mata ko ay bigla nanamang tumunog ang cellphone ko! Kung kailan naman inaantok na ako! Wala ba silang balak magpatulog?

“Hello?” Pabalang kong sagot.

“Hi.” Mas malalim ang boses niya kapag sa call. Husky na parang nanlalambing sa pandinig. “Kanina pa kita tinatawagan.” Ngayon naman parang may halong lungkot ang boses nito. Gee!

“D.”

“May kausap ka kanina. Babae o lalaki?” Siguradong-sigurado talaga siyang may kausap ako kanina. Stalker ba siya?

“Bakit? Kung may kausap ba ako kanina ay magseselos ka? Hindi naman, e.” Niyakap ko ang unan ko at pumikit. Sabi niya noon na hindi siya seloso.

“Uhm... Kapag lalaki.” Humigpit ang yakap ko sa unan ko dahil sa sagot niya. Napangiti rin ako nito. I don’t know why.

“Akala ko ba hindi ka naman seloso?”

“Ah. Lalaki nga. Sino sa mga lalaking nakita ko na?”

“Si Erick.” Sagot ko sakanya at bigla nalang siyang tumahimik sa kabilang linya. Nagalit ba siya? Ayaw ba niyang may kausap akong iba?

Nagseselos na ba siya? Marunong ba siya non? Dapat ko bang tanungin yung dalawang ex niya? Gee!!! Bakit ba bigla nalang bumilis yung heartbeat ko? Mas lalo ko panghinigpitan ang yakap ko sa unan ko. Hindi talaga siya nagsasalita.

Natulugan na ba niya ako?

“D?”

“Huwag kang maingay. Nag-iisip ako.” Huminga nalang ako ng malalim. Pasalamat siya dahil humaba na ang pasensya ko nang dahil sa mga estudyante ko.

“Malalim ba yang iniisip mo at kulang nalang sabihin mong i-tape ko na ang bibig ko?”

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon