Sana ganito nalang lagi,yung masaya lang ang lahat bonding and wala ng problema pa ang dumating.

Nakuuuu Angelina kung alam mo lang ang lahat well ako alam ko ang lahat kasi ako ang gumagawa sa story mo dai 😅 charought balik sa story

"Tara na sa mall"
Pag aaya ni Yang

Madali kaming nagtungo sa sasakyan at hindi rin namin namalayan na 11 am na pala dami kasing chika nitong si Yang parang hindi nauubusan ng kwento

Pagkarating namin ay hindi ko na mahintay ang dalawa sa parking dahil sobrang sakit na ng pantog ko at mukhang sasabog na ito.

"Mommy una na po ako sa restroom hindi ko na po talaga kaya sasabog na"
Pagpapaalam ko at nagtatakbo na papunta ng restroom

Sa king pagtakbo ay mabilis kong narating ang restroom and boom heaven I mean nakahinga na ng maayos.

Naghugas ako ng kamay at nagtungo na sa labas

Nakatungo akong naglalakad dahil inaayos ko ang bag ko ng mysumagi sa braso ko na muntik ko ng ikatumba kaya agad kong nilingon ito

"Sorry miss"
Ani ng lalaki na sobrang familiar ng boses na para bang my mga kabayong nangangarera sa dibdib ko dahilan para sundan ko siya pero hindi ko na naabutan ng makapasok siya sa restroom

Hindi,imposible na siya iyon. Matagal ng wala ka at kung nandito ka man bakit.... Hindi siguro nga miss lang talaga kita. Isa lang ang lalaki na my boses na ganun ikaw lang Eric.

Muli kong nilingon ang restroom ng boys pero wala pang nalabas napapitlag naman ako ng my nangiliti sa bandang bewang ko

"ayyy pusang gala naman Yang!"
Napairap pa ako sa babaitang ito at muling lumingon sa restroom

"Ano ba Gel agang aga ha magugulatin,sino ba hinihintay mo diyan"
Pang aalaska pa ng babaitang ito na nakatikim ng pingot sa akin

"Aray napaka brutal mo ano ba kasi yun"
Pagmamaktol nito

"Kasi parang narinig ko boses niya per...

"Pero imposible yun Gel,kaya tayo na at naghihintay si Tita"
Agad naman akong hinatak ng isang ito papunta sa isang store ng mga damit

"Oh nandito na pala kayo,naku mamili na kayo at mypupuntahan pa tayo mamaya"
Nakangiting saad ni mommy at sayang saya na namimili ng damit naming dalawa

Habang namimili ang dalawa ay hindi ko mapakali sa boses na aking nadinig kaya naman walang kamalay malay yung dalawa na iniwan ko doon at ako ay naglakad lakad sa mall mabuti at nakadisguise ako kaya wala makakakilala sa akin

Nagpunta ako sa isang lugar na wala masyado namimili and sa pagkaka alam ko ang napasukan ko ay isang jewelry store nagtingin tingin na lamang ako ng sing sing at necklace.

Sa king pag uurong sa gawing kanan ko ay hindi ko namalayan na mytao pala sa tabihan ko kaya nagkabungguan kami

"Sorry"
Pareho naming nasabi sa isat isa

Napaangat ako ng tingin dahil sheyt ang boses na iyon na naman ito na yung pagkakataon ko na malaman kung ikaw ba talaga o naririnig ko lang talaga ang boses niya sa ibang tao.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya pero nakahilig ang mukha niya sa kanan kaya hindi ko makita ang buong face niya. Wala akong choice kundi banggitin ang pangalan niya para malaman kung lilingon ba siya o hindi

"E-ric"

And my world stop but my heart beats fast like a horse who's goal is to win the race. Para akong pinako sa kinatatayuan ko at ang mga mata ko ay bilog na bilog na nakatitig sa kaniya.

"Eric,ikaw ba tal....

Naputol ko ang sasabihin ko ng kabigin niya ako at yakapin ng mahigpit,alam kong miss ko siya pero napakalas ako sa pagkakayakap sa kaniya dahil papaanong nandito siya

"Ange...

Bago pa man niya masabi ang pangalan ko ay agad na lumipad ang kamay ko sa kaniyang mukha na maski ako ay nabigla sa ginawa ko pero meron iyong epekto sa dibdib ko na parang nabunutan ng tinik

"B-uhay ka pa pala"
Nauutal kong saad

"Angelina,let me explain"
Ani niya at nakita ko naman na nagsilandas ang mga luha sa kaniyang mga mata

Tila ba pinupunit nito ang puso ko bakit ang bigat na naman hindi mas bumigat. Paanong buhay ka hindi ba wala ka na,sino sino ang lalaki sa puntod.

Hindi ko namalayan na nagsilandas na rin pala ang mga luha ko habang masamang nakatitig sa kaniya. Pagkuway agad akong tumalikod at mabilis na naglakad hindi parang tumakbo na rin ako dahil sa sobrang bilis niyon halos matumba na lahat ng tong nababangga ko.

Lumabas ako sa mall mag isa at tumakbo hanggat sa makalayo ako sa kaniya sa kanila....

PERPETUITY Where stories live. Discover now