CHAPTER 12

41 2 0
                                    

Momo's POV

"Hoy Momo! Bilisan nyong kumain!! Mga hinayupak kayo late na tayo mga gago!" Sigaw ni Nanay Ji mula sa sala. Hays, galit nanaman sya, deds nanaman kami ni Kambal. Mental facepalm kase hassle magfacepalm habang kumakain.

"Bal, bilisan daw natin kumain sabi ni Nanay." Sabi ko habang kumukuha ng pangapat na bulos ko ng kanin. No pressure lang kahit galit na si Nay, baka maluugan ako mahirap na.

"Rinig ko, bilisan mo kumain dyan Bal, mapepektusan nanaman tayo nun mamaya." Sabi nya habang ngumunguya ng ultra slow, pagong ata to eh? Hypocrite peg naten teh? Naririnig ko na tuloy yung sigaw ni Ji kahit wala pa naman. Dumudugo na ear drums ko in advanced shockss.

Napansin kong iisa nalang yung hotdog na tira at parehas pa kaming may kanin ni Sana kaya akmang kukunin ko na yung hotdog pero naunahan ako ni Bal. At dahil mabait ako, kinuha ko yung hotdog sa plato nya at kinagatan yun tapos inubos ko na yung kanin ko kase isang subo nalang naman. Pagkatapos, binalik ko yung hotdog sa plato ni Bal.

"Yak Bal! May laway mo na to eh!! Kadiri kang gago ka!" Sabi nya sabay kagat sa hotdog.

"Kinagatan mo rin naman adik! Bilisan mo na, deds na tayo kay Nay. 10 mins nalang simula na first subject hayop." Sabi ko sabay hablot sa bag ko at takbo papunta sa sala. Ganun din ang ginawa ni Sana.

Pagdating namin sa sala, pansin naming wala na si Minari at yung dalawang gurang. Pakshet, si Ji at si Tzu nalang yung nadatnan namin, parehas pang masama na ang timpla.

"Ehehehehe tara na?" Sabay na sabi namen ni Sana.

Sabay silang umirap bago tumakbo palabas. Sumunod naman kami kase bukod sa may takot kami kina Tzu, nakakasawang tumambay sa detention.

Nakarating kami sa school ng saktong alas syete. Meaning, di kami late. Yas magdiwang tayo!! Saktong pagdating namin sa room ni Sana, pumasok na rin yung terror naming Math teacher.

Dahil isa syang malaking epal, hindi manlang sya naggood morning at diretsong nagturo. Sa subject lang nya ako nakinig kase sobrang strikto nya.

Dahil mabait din akong bata, hindi ako natulog sa ibang klase at nagfocus sa pagddrawing kay spongebob.

Kung hindi lang talaga kami schoolmates ni crush, magcucutting na lang ako eh. Hay life, why so sad?

Sa pagdaan ng oras, maraming mga tanong ang pumasok sa isip ko gaya ng bakit orange ang orange? Bakit ang landi ni Sana? Bakit ang cute ko? Bakit hindi ako crush ng crush ko?? AwWw sO fuCkiNg sAD,, :((

Ok, moving on, oras na para sa favorite subject ko. Yung tanging subject na pagfofocusan ko.

"That's all, you may take your lunch, goodbye." Sabi ni Ma'am Yongsun.

Yes goodbye Ma'am wag na kayong babalik-- char. Mabait naman si Ma'am Yong medyo weird lang char part 2 baka isumbong nyo ako.

Minsan feeling ko talaga may nagbabasa ng isip ko. Like pag nagiisip ako feeling ko may nakakarinig nung iniisip ko share ko lang tmi lang.

Nagayos ako ng gamit at lumapit kay Sana. Hindi kase kami magkatabi. Maingay daw kami pag pinagsama so si Hoshi katabi ko eh maingay din naman sya so useless yung pagpapalipat nila ng upuan.

"Momoringg!! Namiss kitaaa!!" Salubong nya sakin sabay yakap.

"5 hours lang naman tayong naghiwalay adik! Tara na sa canteen bilis hinihintay na tayo dun nina Jeongg!" Sabi ko naman.

Kaedad namin si Jeongyeon pero dahil matalino syang nilalang kaklase sya ni Nayeon ngayon.

Naglalakad kami papuntang canteen nang makasalubong namin si Wonwoo, yung kaklase naming bookworm. Lumapit sya kay Sana tapos may binulong sya sa kanya. Tumango naman si Sana at nagsmile. Nagsmile pabalik si Wonwoo at lumayas na.

"Uy Bal ano yunnn??" Sabi ko agad nung di ko na natatanaw si Wonwoo dahil isa kong dakilang chismosa.

"W-wala, uyy andun na sila sa table oh? Bilisan na natin kingina gutom na rin ako." Sabi nya na para bang iniiwasan yung topic. Hmmm, I smell something fishy. Hindi ko nalang pinansin yun at nagmadali na rin papunta sa inuupuan nina Jihyo.

Pagkarating, napansin kong badmood ang minamahal naming bunso kaya tinabihan ko sya. Himala hindi nakabitin sa kanya si Sana ngayon, miracles do exist.

"Why so serious naman po? Sinong nangaway sayo!?" Sigaw ko at tumingin kina Nayeon. Nagkibit balikat lang sila kaya binalik ko ang tingin kay Tzu na nagbuntong hininga lang.

"Momoring samahan nyo ako bumili ng pagkain" Pagaaya ni Minari samin ni Sana. Pumayag naman kami, ganun kami kabait.

Habang naglalakad papunta sa Burgerino, napansin kong nasa unahan namin si Dahyun, yung crush kong ubod ng cute. Feeling ko sinalo nya lahat ng kacutan sa mundo. Yes naman pakshet buo na yung araw ko.

Sesenyasan ko sana si Sana na bagalan ang paglalakad para nasa likod pa rin nila kami nang mapansin kong nakatingin ang kaibigan kong penguin sa bff ng crush ko.

Mukhang tinamaan yung kaibigan ko ng pana ni kupido.

---------------

Ang epal ng wattpad ngayon takte. Nakakatamad magupdate susqqq.






Senpai ↠ DAHMOWhere stories live. Discover now