Peter

361 6 2
                                    



Dedication/Acknowledgement:

Dearest Rovi,

I know naman na wala kaming dapat ipag-aalala sayo dahil masaya ka naman ngayon kung nnasaan ka ngayon. Rovi, namimiss kita. Namimiss ko kayo nila Celine at Rib. Hanggang ngayon nasa gallery ko pa rin yung Book Cover ng Story ko – dapat para sa Collaboration natin na ngayon nga ay hindi na mabubuo dahil wala kana. Hindi na rin kami nagkakausap nila Celine at hindi na ata talaga magagawa ang istorya. Pero rovi, umaaasa ako sa sarili ko na one day matatapos ko ang akin kasi pinalitan ko ang pangalan ng protagonist kong si Frontier Villafuerte ng pangalan mo. Naaalala ko, sobrang excited tayong lahat na magawa yung book. Yung brainstorm natin... sharing ideas, scenarios and on how our characters meet. Namimiss ko kayo. Dahil hanggang ngayon, walang gustong makipag-collab sakin. You're the first person who believed in me. Na may saysay yung stories ko. Kayo ni Hare. Tinutulungan niyo kong mag-improve. Ayan, naiiyak ako. HAHAHAHA. Kaya ayoko ng mga ganitong dedication e. Umiiwas ako pag pinag uusapan ka kasi naaalala ko, sayo ako lagi nagpi-pm pag may hindi ako naiintindihan dahil bago pa ako noon sa pagsulat at wala pa kong masyadong kilalang writer sa wattpad na maaaring makausap.

SALAMAT Rovi. 'wag niyo na kaming isipin, kaya ng mga BXB writers ang pagpapanatili sa mga naumpisahan niyo. Nagiging busy nga lang pero nagsusulat pa rin naman. Gabayan niyo kami ha? Kayong mga nauna dyan. Ikamusta niyo na lang muna kami kay God. I-slide rin kami sa rainbow pagdating ng araw...

STORY:

Para sa isang kupido, ang pagsablay ng palaso sa dapat nitong patunguhan ay hudyat ng kamatayan. Matakasan kaya ni Ruiz ang pagkakamaling ito?

Season of Rainbow

Presents

" P E T E R "

Prologue:

Ang pagsablay ng palaso sa dapat patunguhan nito ay hudyat ng kamatayan ng isang kupido. At ito nga ang nangyari sa batang kupido na si Ruiz.

Ni sa panaginip... wait, nananaginip din ba sila? Hindi ko alam. Ni sa panaginip ay hindi niya ito naisip na mangyayari sa kanya dahil sa loob ng halos isang daang taon ay ngayon siya sumablay sa pagpana.

Sa libro ng pag-ibig ay walang nasusulat na maaaring magkatuluyan ang parehong kasarian kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawan niya ito ng paraan!

Masalba kaya niya ang sarili sa nalalapit niyang katapusan?

O tatanggapin niya na lamang niyang nagkamali siya?

Magkaibigan kaya ang dalawang taong may parehong kasarian?

O isa lamang itong kahibangan?



Chapter 1

Ruiz:

NAKADUNGAW lang pababa sa mga ulap habang pinapanood ang mga tao sa kalupaan. Pero sa pagkakataong ito ay nasa likod ako ng isang bahaghari na minsan lang kung mangyari.

Nakakalungkot lang dahil ibang iba na ang mundo sa dating itsura nito noong huling bumaba ako upang magpatibok ng puso ng dalawang tao. Oo, isa akong kupido: alagad ni Prinsipe Eros na Diyos ng Pag-ibig.

"Anong ginagawa mo riyan?" Napalingon ako sa aking likuran kung saan nanggagaling ang malambing na tinig. Kilala ko ang boses na ito at siguradong pagagalitan ako dahil bawal sumilip sa buhay ng mga mortal kung hindi ka bababa sa lupa.

"Patawad po Mahal na Prinsipe," paghingi ko ng dispensya habang hindi makatingin at kakamot-kamot sa likod ng aking ulo.

"Nais mo na bang bumaba? Naiinip ka na ba rito?" Agad akong binalot ng kaba dahil sa mga tinuran ng Prinsipe kaya napatakbo ako at napaluhod sa kanyang harapan. Yumuko at sinabing, "hindi naman po sa ganoon. Patawarin niyo po ako hindi ko na po uulitin."

Season of RainbowsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora