Dahil 'di ko alam ang gagawin, hinagod ko na lang ang likod niya. Pakiramdam ko noon, basa ng uhog ang damit ko. Dyahe, p're.

Nag-iisip ako ng pampalubag-loob sa kanya. Nabigla pa 'ko nang bigla siyang umalis sa pagkakayakap sa'kin. Pagkatapos, direkta niya 'kong tinitigan sa mata.

Napalunok ako ng laway.

Matiim kong tiningnan 'yong mga mata niya. Ngayon ko lang yata 'to natitigan sa haba ng pagkakaibigan namin.

Hutangena, ba't parang ang ganda?

Ah, basta. Wala 'kong paki kasehodang sumasakit na ang mga mata ko sa 'di pagkurap.

"Tara, bili tayo." yakag niya.

Kumunot ang noo ko, "Ng ano?"

"Lights. Tapos, tara sa inyo. 'Yoko munang umuwi sa'min. Hassle e, saka baka makitulog na rin ako mamaya sa inyo."

Pinipigilan ko pa siya noong una dahil menor de edad kaming pareho. Inaalala ko rin ang sasabihin ng mga tao sa kanila 'pag umuwi siyang may hangover pa.

Nasa tindahan na kami ni Aling Nena at nasa kasarapan na kami ng pag-inom.

Unang bote.

"Hoy, Hizon. 'Pag walang-wala na talaga 'kong madilehensya, at pag walang-wala ka na ring pag-asa sa edad mong kwarenta, tayo na lang dalawa." Mukhang lasing na yata ang isang 'to dahil kung anu-ano na ang sinasabi.

"Ano'ng palagay mo sa'kin? Desperado?" Hindi ako nakatingin sa kanya, sa tubig na naglalandas doon sa bote ako nakatingin.

"Ang choosy. H'wag ka nang maarte! Para namang lugi ka pa sa'kin ha." Tinapunan ko ng tingin si Bea, at mukhang tinatamaan na siya ng espiritu ng alak.

"Aba talaga. May karapatan akong maging choosy. Iba na talaga 'pag gwapo."

Kumuha ulit siya ng lights. Ilang bote rin ang binayaran niya kay Aling Nena. Takte, pasaway talaga 'tong si Bea.

Pangalawang bote.

"P-pumayag ka na kasi. 'Di ka naman lugi sa'kin." Pilit nitong inaalog-alog ang kaliwang braso ko.

"Ano ba'ng mapapala ko 'pag pumayag ako sa deal na 'yan?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"E di parang nanalo ka sa lotto. Ang ganda ko kaya?"

Tumawa ako nang malakas. Nag-apir kaming dalawa pagkatapos noon. Natatawa na lang sa'min si Aling Nena dahil para kaming mga timang. Takte. Mukhang pati ako e sinasapian na rin ng espiritu ng alak.

Ba't parang mas gumaganda yata sa paningin ko 'tong si Bea?

Pangatlong bote.

'Di ko alam kung dala lang ng sapi ng alak o ano, pero iba na ang pakiramdam ko. Parang bigla akong tinubuan ng magnifying glass sa mata dahil lahat ng ginagawa ni Bea, ibini-big deal ko.

"Alam mo Hizon, mas gugwapo ka 'pag wala 'to." Lumapit siya sa akin tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. 'Di ako kumukurap dahil hinihintay ko kung anong gagawin niya sa'kin. 'Di ko rin alam kung may iba ba 'kong hinihintay o ano. Iyon pala, tatanggalin niya lang ang salamin 'ko.

Takte. May isang bagay lang akong 'di naiintindihan.

Ba't parang ang lakas ng tibok ng puso ko noong gawin 'yon ni Bea?

"H-Hizon!" Naputol ang pagde-daydreaming ng utak ko no'ng sunud-sunod akong tinapik ni Bea. "May naisip ako!"

Naku po. Mukhang may naimbento na namang code word 'to. Ganyan siya kapag inatake na ng espirasyon.

"Ano 'yun?" balik-tanong ko naman sa kanya.

Sa pagitan ng pamumula ng mukha at paese-eseng salita, sinabi niya sa'kin iyong ideya niya.

"Di ba, alam mo naman na 'yoko ng mga kesy'ng bagay? So, 'yun, h'wag na sana tayong maging engoob na nagsasabihan ng 'Labyu' bilang appreciation. Ang kesy nun!"

"Ano namang gusto mong ipalit sa labyu?" Sa tingin ko naman kasi, mukhang yako naman iyong appreciation words namin. Hindi na nga masyadong kesy iyon e.

Umakto siya na parang malalim ang iniisip. Nakapangalumbaba pa nga siya habang tinitingnan nang matiim iyong bote sa harap niya. Nilaklak niya iyong natitirang alak at saka muntimang na nagpakawala ng nakakalokong ngisi.

"T.A.G.A.Y." nakangising tugon niya sa akin.

"Huh? Pinagsasabi mo diyan? 'Di ba tunog engoob 'yon?" sabi ko.

"Tungs! Ganito kasi iyon." Unti-unti siyang lumapit sa'kin at ibinulong ang ibig sabihin ng 'tagay.'

Ah, matic ko na. Soya iyong naisip niya. Merong meaning na para sa akin, meron ding para sa kanya. Iba talaga ang utak nitong si Bea.

Sa mga sumunod na sandali, nakatingin lang ako sa kanya—pinanunuod ko siya habang inuumpisahan iyong pangapat niya.

Tagay. Mukhang mula sa araw na 'to, mapapalitan na ang makasaysayang Labyu. Soya naman, 'di ba? Ang lakas kayang maka-gwapo.

Hindi na niya ibinalik ang salamin ko. Alam kong malabo dapat ang mga mata ko at wala dapat akong nakikita, pero malinaw pa sa sikat ng araw na nakikita ko ang pagngiti niya, pati na rin kung ano'ng epekto nito sa'kin. Muntimang lang.

Takte. Ayoko nitong nararamdaman ko. Punyeta.

Ayokong tanggapin 'to. Letse, lahat magiging kumplikado.

Kasalanan ng San Mig Light 'to.

Ah. Hutangena.

-----X

Manigong Bagong Taon sa lahat!

Ang istoryang ito ay naisulat ko na noong 2013, pero binura ko rin dahil sakit ng ulo si Guido. Nirevise ko ang plot ngayon at mas maayos na ang utak niya ngayon. Sana.

Ang mga naka-italic na salita ay ang mga code words ni Bea. Pwedeng magtanong sa akin pag 'di mo matic. Soya ba?

Date started: 1st January 2020

Date finished: 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TAGAYWhere stories live. Discover now