Chapter 43 [Guardian Angelsss]

Start from the beginning
                                    

What to dooooo?! Baka mamaya, ako naman ang mabaliw.

"Sinong may gawa nito?" Nakabalik ako sa realidad ng marinig ko na nag-salita ulit si Luigi. Sumenyas si Hannah sa akin pati kay Luigi. Lumapit naman kami sa kanya.

"Kelly, sabihin mo na kay Luigi. Sa labas. Ako na bahala dito." Nag-nod nalang ako tapos lumabas na. Sumunod naman sa akin si JL.

Kinwento ko sa kanya. Lahat.

"Niloko ni Charles si Chessa?"

Wala akong nagawa kung hindi tumango.

"JL! SANDALI! SAAN KA PUPUNTA?!" Tumayo na rin ako at lumabas. Pagka-tango ko kasi, agad siyang tumayo at nagmadaling lumabas ng office.

"JL ANO BA!" Pilit ko siyang hinahabol pero ang bilis bilis ng lakad niya. Buti nalang at hindi ako nakagawa ng eksena dahil half day lang ngayon ibig sabihin wala na yung mga estudyante. Kung meron man, nasa library o laboratory na na lagi namang nakasara.

"John Luigi Tahara! Pag ikaw hindi tumigil malalagot ka sa akin!" Sigaw ko at tumakbo na ng tuluyan para maabutan siya. Oh joy. Baka nakapalda ako. -___-

Bigla siyang tumigil... for 5 seconds at naglakad na ulit. PAASA! AKALA KO NAMAN TITIGIL NA TALAGA SA PAGLAKAD >.<

Dire-diretso siyang umakyat at ako sunod lang ng sunod. Teka. Wala naman na siguro si Charles sa room? Oo! Tama. Half day lang ngayon pero.

Sht. >__< Pag ganitong half day lang, nags-stay nga pala si Charles para sa English club o minsan naman sa Science.

"JL! Ano ba yan!"

*BLAG!*

Nakarating na siya sa English faculty. At kung minamalas ka nga naman, nandoon si Charles at siya lang mag-isa.

"Oh. Lui-"

*BOOGSH*

"LUIGI!" Pilit ko siyang hinila. Agad agad niya kasing sinuntok si Charles kaya naman napaupo ito. Si Charles naman, walang ginagawa. Hinahayaan lang niya na suntukin at hilain siya nito.

"G@GO KA! UMALIS AKO PARA SA INYONG DALAWA!"

*BOOGSH*

Hindi pa man nakakatayong muli si Charles ay sinuntok niya ulit ito.

"PERO NILOKO MO SIYA!" Yung mga naririnig ko mula kay JL, parang ang sakit? Bakit ganun? Yun ba ay dahil naaawa na ako kay Charles?

*BOOOG*

"Alam mo ba hinayaan niyang saktan siya ni Richard dahil di na niya kayang lumaban? Dahil sobra na siyang nasaktan!" Kinwelyuhan ni JL si Charles.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now