Chapter 42 [Ghost]*

Start from the beginning
                                    

“AY MAE!”

“Oh?!” Gulat na tanong ni Mae. Naalala ko yung tatay niya.

“Mae. Nakita ko yung tatay mo. Kanina. Nagbe-benta siya ng ice cream. Binigyan ko siya ng contact number para matawagan niya ikaw.”

“Ganun ba? Anong sabi niya?” Inalala ko ang pinag-usapan namin ng tatay ni Mae.

“Kinamusta ka lang niya. Tapos tinanong ko kung gusto ka niyang makita. Ang sabi niya, sa susunod nalang daw. Sa tingin ko, ang akala niya galit ka. Wag kang mag-alala. Sa susunod, isasama kita doon sa lugar kung saan ko siya nakita. Baka sakaling magpang-abot kayo.”

“Talaga? Salamat ng marami Chessa.” Naluluhang sabi ni Mae.

“Wala yun. Sige. Pasok muna ako sa kwarto.” Sana magkita sila.

***

“Susunduin ka ba ng best friend mo?” tanong ni Tita. Nasabi ko na sa kanya na best friend ko yun sa States. Pero di ko pa nasasabi yung nangyari sa amin ni Drake.

Kung anu-ano na ngang dina-dahilan kung bakit hindi na ako sinusundo ni Drake eh. Sa tingin ko, naggda-dahilan din si Drake sa tita niya. Oh well. Good luck sa pinag-gagawa namin.

“Hindi po eh. Saka nasa California po siya ngayon. Tatlong araw po siya doon.”

“Ah ganun ba? Osige. So, mag-isa ka lang pala ngayon.  Mag-ingat ka ha. Bye.” Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng sasakyan. Remember? May sasakyan na ako.

Pagkadating ko sa school at pagkababa ko ng kotse, pansin ko ang pagsunod ng mga mata sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso sa room ng 4-B.

“Okay. Class dismissed.” Half day lang kami ngayon. Sayang! Kung kailan naman pwede akong gumala saka wala si Jetty. Tagal paaa. 2 days pa T_T

“Bye Chessa!”

“Bye!” I gave them a slight smile. Nasa section B pa rin ako. At kahit papano, hindi na ako mukhang bangag pero syempre tahimik pa rin. Basta. Hindi na ako iyakin pero parang naging moody? Ewan.

Kahapon kasi nung kasama ko si Jetty, ang ingay at ang saya ko. Ngayon para akong na-mute sa sobrang tahimik. Tapos parang nabatukan ng malakas at na-steady sa pagkakayuko yung ulo.

Eh sino ba namang tao ang mag-iingay at ngingiti ng mag-isa?! Jusko po. Hindi pa ako baliw. =___=

Hay. Kung anu-ano na naman tong iniisip ko. Makapaglibot na nga lang. Iinggitin ko si Jetty. Sasabihin ko sa kanya na kumain ako ng madaming cake at ice cream! BWAHAHA.

~ Lalala

Gangster's "I Hate You"Where stories live. Discover now