Prologue

18 0 0
                                    

MAINGAY, may mga ngiti sa kanilang mga labi, at tila mga ibong nakawala sa hawla. Ito ang ilan sa mga bagay na makapaglalarawan sa mga estudyanteng naglalabasan sa mga silid-aralan ng pinag-uusapang Wilson University. Bakas sa mukha ng bawat estudyante ang magkahalong pagod at saya sa pagtatapos ng semestro. Doble pa ang kanilang tuwa sapagkat saktong magpa-Pasko't magba-Bagong Taon na.

“Jusmiyo marimar! Nami-miss ko na ‘yung ingay ng alon sa probinsiya natin!” Puno ng kagalakang sambit ni Kara. Pumapalakpak-palakpak pa ang dalaga habang nakaguhit ang isang malaking ngiti sa kanyang mga labi.

“Bakit, miss ka ba no'ng alon?” Nang-aasar na wika naman ng binatang si Aries. Tumawa-tawa pa ito kaya't lalong nabuwisit ang dalaga. Agad siya nitong kinurot sa tagiliran, dahilan upang mapaaray ang binata. Hindi pa nakuntento ang dalaga at sinundan niya pa ito ng pang-iirap.

“Alam mo, kung ganyan ka na lang lagi, mas okay pa na ‘wag na lang tayo mag-usap. Nakakabuwisit ka lang,” Mariing sabi ni Kara saka tahasang inagaw ang mga libro niyang bitbit pa ng binata. Maglalakad na sana siya upang iwanan ang kasintahan ngunit hinawakan siya nito sa braso.

“O, tapos iiwan mo ako ngayon? Bakit kapag ikaw nagbibiro, okay lang, pero kapag ako nakakabuwisit? ‘Yan problema sa inyong mga baba—” Hindi na natapos pa ni Aries ang kanyang sinasabi dahil nagsalitang muli si Kara.

“O, ayan ka na naman, pahahabain mo na naman hanggang sa babalikan mo na lahat ng dati nating pinag-awayan! Diyan ka na nga! Buwiset!” Bulalas ni Kara, ngunit hindi rin nagpatalo sa kanya ang kasintahan.

“Talaga! Akala mo susuyuin kita ulit? Hindi mo na ako mauuto dahil alam kong bored ka na naman! Manigas ka diyan!” Sigaw pa ng binata kahit walang kasiguraduhan kung naririnig pa siya ni Kara na naglalakad na papalayo.

Sakto namang naabutan siya ng iba pa nilang katropa na sina Alistair, Jasper, at Carmella. Pinagmasdan din nilang tatlo ang unti-unting pagkawala ni Kara sa kanilang mga paningin.

Inakbayan na lamang ni Jasper ang binata habang si Carmella nama'y ginugulo ang buhok ni Aries. Bakas sa mukha ng binata ang magkahalong inis at lungkot dahil sa hindi na mabilang na pagkakatao'y magkaaway na naman sila ni Kara.

“Bro, hindi pa ba kayo nagsasawa sa araw-araw niyong pag-aaway ni Kara?” Walang kaemo-emosyong tanong ni Alistair.

“Oo nga, ganyan ba talaga kayo magpakita ng pagmamahal sa isa't isa? So weird!” Dagdag pa ni Carmella.

“Tsk, ewan ko ba kung bakit trip na trip niya na sinusuyo ko siya. Hindi cool ‘yon,” Sagot ni Aries sabay buntung-hininga.

“Bro, sumama ka na lang muna sa ‘min. Chichibog daw ‘tong si Carmella,” Sambit ni Jasper habang nakatingin sa dalaga. Binigyan naman siya nito ng isang pekeng ngiti bilang tugon.

“O-oo! Tsaka alam mo ba, malapit nang magka-movie ‘tong aports natin!” Dagdag pa ni Alistair upang maiba ang paksa ng kanilang usapan. Hindi naman magkamayaw si Carmella nang marinig niya ito.

“Ay, talaga ba? Ano namang movie ‘yan? Pang-Disney gano'n?” Puno ng pagkamanghang tanong ni Carmella.

“Hindi!” Mabilis ding tumugon si Alistair.

“E ano?!”

“Carmella And The Chipmunks!” Malakas na sigaw ni Alistair. Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Carmella at naging tila isang dragong handa nang magbuga ng apoy. Pinigilan namang matawa nina Jasper at Aries sa takot na madamay pa sa galit ng dalaga.

“Hayup ka talagang unggoy ka!!!” Naiiritang sigaw ni Carmella saka hinabol ang binata habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

***---***

Samantala, nasa cafeteria naman ang magkakaibigang sina Carlisle, Sasha, Natalie, at Alice. Bawat isa sa kanila'y hawak ang kani-kanilang mga gadgets at iba-iba ang mga inaatupag.

“Oh, God! You have to see this!” Ubod ng lakas na bulalas ni Natalie habang nakatakip pa sa bibig ang isang kamay. Nakuha naman niya ang atensyon ng mga kasama kaya't nagsitigil ang mga ito sa paggamit ng kanilang mga phone.

“Ano ba 'yan, sis?” Tanong ni Carlisle na mukhang interesadong-interesado sa nais ipakita ng dalaga.

“Buntis na ang gagita nating friend nung senior high!” Pabulong ngunit nanggigigil na sagot ni Natalie saka ibinida sa tatlong dalaga ang post ng dati nilang kaklaseng hawak pa ang resulta ng kanyang pregnancy test.

“Shocks! ‘Yung boyfriend niya bang fuckboy nakabuntis sa kanya?! Oh my, I still can't believe it!” Nakangiwi pa ang mukha ni Sasha habang maarteng pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang mga palad.

“E, sis... ‘Di ba, ex mo ‘yang mokong na ‘yan?” Tila naging isang bato si Natalie nang sabihin iyon ni Alice. Pinandilatan naman siya nina Sasha at Carlisle.

“Fuck, ‘yan lang ba talaga sasabihin mo? Pwede pa-shut na lang ng mouth?” Nanggigigil na sambit ni Natalie habang nakakuyom ang kanyang mga kamao. Bakas sa mukha niya ang pagkairita sa kaibigan. Napalunok na lamang sina Sasha at Carlisle dahil alam nilang masakit kung magsalita si Natalie lalo na kung galit ito.

Pilit namang pinanatili ni Alice ang kanyang postura at iniba na lamang ang paksa ng kanilang usapan. Halos ilang taon na rin kasi silang magkakaibigan kaya't tila nasanay na lang sila rito.

“H-hindi pa ba tayo aalis? ‘Di ba magba-bar hopping pa tayo mamaya so dapat makapag-prepare na tayo. Hehe!” Nauutal niyang sambit habang pilit na iginuguhit ang isang pekeng ngiti sa kanyang mga labi.

***---***

Labinlimang minutong paglalakad naman ang ginugol ng magkakaibigang Angela, Laurent, Liam, Tanya, at Zaf bago sila nakarating sa condo ni Liam. Siya ang pinakamayaman sa kanilang lima at ang may pinakamalapit na tirahan sa kanila sa Wilson University kaya naman ang condo niya ang paborito nilang tambayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Christmas PartyWhere stories live. Discover now