Prologue

59 0 0
                                    

“Hindi ko na kaya Jenny! Ano pa bang kulang sa akin ha? Panget ba ako? Hindi ba ako sexy? Masama ba ang ugali ko? Bakit kailangan akong ganituhin? Bakit kailangang iwan niya ako? Bakit?” humahagulhol na sumbong ni Mikay sa kanyang dalawang bestfriend na si Jenny at Pamela sa cellphone. Hindi na kasi kinaya ni Mikay ang kanyang nararamdaman kaya nagsabi na siya sa kanyang dalawang kaibigan ng mga masasamang pangyayari sa kanya. Kailangan niya ng kausap, kailangan niyang umiyak dahil sasabog na siya sa pinaghalong galit, sakit at kalungkutan. “Masama ba akong girlfriend? Di naman ako tumingin sa ibang lalake ah! Naging loyal ako sa kanya! Pero bakit? Bakit nagawa pa rin niya akong lokohin!”

                “Alam mo naman kasing babaero yung tao bakit ba kasi pinatulan mo pa. Ikaw din ang may kasalanan” paninisi namang sambit ni Pamela kay Mikay.

                “Akala ko kasi napagbago ko siya eh. Akala ko naging matino na siya. Hindi pa rin pala! Bakit ganun? Masaya naman ako sa kanya eh! Bakit? Bakit?” saka muling humagulhol si Mikay. Narinig ng dalaga ang marahas na pagbuga ng hangin ng dalawa.

                “Akala! Akala! Madaming namamatay sa akala! Tumigil ka na Mikay! He’s not worth your tears!” pagalit na sambit ni Jenny. Muli na namang umiyak si Mikay. “Jeez! Stop Girl! Papanget ka niyan!”

                “Bakit kasi kailangan pa niyang tumalandi! Di pa ba ako sapat sa kanya. Ang nakakainis pa yung mga babaeng tinatalandi niya nakikipaglandian din at ang tatapang pa! Nakakainit ng dugo” dahil sa inis ay naihampas ni Mikay ng marahas ang unan sa kama.

                “Tama na Mikay! Kalimutan mo na lang siya ok! Hindi siya nararapat sa iyo. Swerte na siya sa iyo pinakawalan ka pa niya. Aba siya ang nalugi at hindi ikaw” naiinis na ring sabi ni Pamela.

                “Hindi lang naman ikaw ang niloko ng mga walang kwentang lalake na iyan eh kaya huwag kang umakto na ikaw lang ang may malaking problema ngayon” saad ni Jenny sa seryoso at mababang tinig.

                Biglang napahinto si Mikay sa pag-iyak “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Mikay na halata ang pagtataka sa tinig.

                “Jenny! Anong sinasabi mo? Ibig mong sabihin totoong…” nabiting pagtatanong ni Pamela.

                “Oo Pams! Confirmed! Nagloko si James” saad ni Jenny.

                “What!” gulat na gulat na sambit ni Pamela.

                “Teka teka ano bang mayroon?” nagtatakang tanong ni Mikay.

                “Iyan ang hirap sa iyo Mikay eh, lagi na lang sarili mo ang nakikita mo. Hindi mo nakikitang may problema din kami” sagot ni Pamela sa tanong ni Mikay.

                Nasaktan si Mikay sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Sorry naman. Hindi ko naman kasi alam na may problema din kayo eh”

                Napabuntong-hininga si Jenny. “Tama na iyan! Huwag kayong mag-away tayong tatlo lang ang magkakakampi dito ano ba!” sigaw ni Jenny sa dalawa.

                “Sorry” sabay sambit ng dalawa.

                “Ano ba kasing nangyari? Di ba ikakasal na kayong dalawa?” tanong ni Mikay.

                “Oo! Kaya lang! Ang walanghiyang babaeng iyon! Napakalandi niya! Ang landi niya!”sigaw ni Jenny sa cellphone. Nailayo naman ni Mikay ang kanyang cellphone sa kanyang tenga dahil sa sigaw ni Jenny. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Far AwayWhere stories live. Discover now