“Ms. Denver in stage please.” agad na napamulat si Kath at kumunot ang noong naglakad papuntang stage.

Agad na nagsigawan ulit ng tumuntong nasi Kath sa stage. Napatayo ako at napasigaw.

“Kaziel! Kaziel! Kaziel!” biglang sumama ang tingin niya sakin pero hindi ko siya pinansin dahil nakikigaya na rin ang iba sakin.

“Kaziel!”

“Kaziel!”

“Wow, may mga fans pala kayo dito ha?” naaliw na tanong ng headmaster at napatawa.

“So here's the awarding part.” anas ni muli ng headmaster at agad na naglakad paalis. Umabante naman ang Reyna at Hari.

May ibinigay ang Hari na card sakanilang dalawa at ngumisi. “It's an invitation for our private Island. You can stay there for 3 days and you're excuse.”

Napasinghap ako. 3 days? Private Island?

May ibinigay ang Reyna na susi kay Kath. “This is the key of the house. Goodluck and multiply.” saad ng Reyna at agad na yinakap ang dalawa.

“Wooooh! Kaziel! Kaziel! Kaziel!”

“Gawa kayo agad ng babies!” biglang sigaw ng isa kaya napatawa ako.


KATHERINE DENVER

This is stupid. Hawak ko ngayon ang card habang nasa bulsa ko naman ang susi. Akmang bababa na sana ako ng bigla akong sinalubong ni headmaster.

“Don't bring anything. Pagkalabas ng mga estudyante rito dumiritso agad kayo sa school gate. May ipapagawa muna ako sa inyo.” sambit nito sa amin kaya napatango nalang ako.

“That would be all. You can take a rest students.” he announced kaya agad na napahiyaw sila at agad na nagmamadaling umalis.

Agad na linapitan ako ng Knights at yinakap ng mahigpit.

“Congrats little demon. Hope you enjoy but don't do the multiply.” Blaze seriously said at kumalas ng yakap.

“What do you mean multiply Blaze?” nakakunot noong tanong ko sakanya. Isang malaking what the fuck nalang talaga kapag hindi bakasyon ang pupuntahan ko doon.

Napailing nalang siya. “Wala,”

“Congrats Kath.” nginitian ko si Flynn at yinakap siya ulit bago kumalas. Agad na naglakad na ako papunta sa gate.

Nadatnan ko si roon si headmaster na kasama si Aziel at nakita ko kung paano tinapik ni headmaster si Aziel at napailing.

“Andito ka na pala Denver.” anas ni Hm ng mapansin na ako sa wakas.

I nod at him as my gaze stopped at Aziel but I immediately look away.

“Ano nga pala ang ipapagawa mo Hm?” tanong ko sakanya.

Ngumisi siya. “Ah, ngayon kasi ang alis niyo.”

Napahinto ako sa sinaad niya. “Sigurado ka Hm? E nakauniform pa nga ako eh.” hindi ko mapigilang hindi mainis sakanya. Kasi nakakainis naman talaga siya. Sarap palitan ng matandang ‘to. Naiinis na ako ah.

“May mga damit na doon. Huwag ka ng mag-alala.” simpleng sagot niya at lumipat ang tingin sa carriage na kararating lang.

“Oh, andito na sundo niyo. Alis na.” pangbubugaw niya.

“Saan kami ihihinto?” tanong ko sakanya.

“Sa pier.”

Gulat ko siyang tiningnan. “Sa pier?”

Tumango siya. “You're going to the island remember? Malamang sa pier kayo ihihinto ng carriage. May yacht naman na maghahatid sainyo sa isla kaya enjoy.” sagot nito sa katanungan ko at agad na nawala sa harapan ko. Leaving me speechless.

Napanganga ako at hindi makagalaw. Napabalik lang ako sa ulirat ng bigla akong hinila ni Aziel papalabas.

“Halika na..” saad niya at hinila ako.

Nagpatinood lang ako sakanya hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakasakay na sa carriage.

Hanggang sa tuluyan ng nagsink in sakin ang lahat ng nangyari.

“What the fuck!” I cursed lowly.

“Stop cursing hon.” I heard him uttered. Inis na nilingon ko siya. Talagang pinanindigan niya ang pagtawag sakin ng honey ha.

“I thought you won't bother me anymore since I won the tournament.” inis kong saad sakanya at hinarap siya dahil tumabi siya ng upo sakin kanina.

He smirked. “Yeah but have you forgotten that I won too?”

Inis na inirapan ko siya. “So? All I want is hindi mo na ako guguluhin pa. Remember the bet?” naiinis ko pa ring saad sakanya. Huwag niyo sabihing niloloko lang ako ng lalaking ‘to.

Nakangising tumango siya. “Yeah I still remember.”

Napatango ako at medyo nakahinga ng maluwag. Mabuti ng nagkakaintindihan. “Good.”

Pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil hindi parin mawala-wala ang ngisi sa labi niya.

“I won't bother you anymore cause I'm gonna court you.”

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now