Atsaka wala naman kasing mataas na seksiyon na ipinatupad dito. Matagal ng pinatanggal. Pero kapag sa mga misyon na, kaming knights o di kaya warriors ang inaatasang tumupad sa mga misyon.

Mabuti nalang din na wala akong naging kaklase na ibang myembro ng warriors. Baka mabaliw na ako.

Napabaling ang tingin ko sa harapan ng biglang nagsalita si Hm.

“Good morning enchanters!” malakas na pagbati ni Headmaster.

Malakas na naghiyawan ang mga estudyante lalong lalo na ang seksiyon namin. Nakakairita.

Napangiti si headmaster. “Today, we gathered all the academy's students to announce the upcoming tournament.” biglang natahimik ang paligid sa sinabi niya.

Tournament? This is new to us. Buong buhay ko ngayon lang sila naglunsad
ng tournament para sa buong paaralan.

Biglang napuno ng bulungan ang buong paligid. Isali niyo na ang freshmen.

“Don't worry. Para ma-inspire naman kayo ay may ibibigay naman akong inspirasyon..” malawak pa rin ang ngiti niya.

Naghiyawan ulit ang paligid.

“This tournament will be no exceptions because ven the royal blood one's will join the tournament.” malakas na anunsiyo niya.

Napahiyaw na naman ang lahat sa sinabi niya. Damn, hindi ba sila titigil sa kakahiyaw?

“Listen students..Listen.” pagpapatigil ni headmaster dahil sobrang nababaliw pa rin sa kakasigaw ‘yung ilan.

“Start your training now enchanters, because this tournament will be held in 16th of December. There will be only one proclaimed as a winner and whoever wins the tournament will receive a consolation prize and to be awarded by the King and Queen of Enchanted Kingdom. That would be all. You can now go back to your perspective classes. Thank you.”

Malakas na umangal ang mga kasama namin.

“Ang dali naman noon!” reklamo ng isa kong kaklase na hindi ko kilala.

“Oo nga, hindi nga naubos ang oras ng first period natin eh.” segunda naman ng isa.

“Oo nga no? Eh kung ibagsak ko kayo sa subject ko?” saad ng Prof namin na nasa gilid nila.

Muntik na akong bumalinghit ng tawa. Agad kong kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakarating na kami sa room ulit. Kaya ayon, binungangaan kami ng Prof namin.

Late na ng dinismiss niya kami dahil sa mataas at nakakatouch niyang speech.

Nang makalabas na siya ay agad na nakahinga ng maluwag ang mga kaklase namin.

“She's so annoying.” rinig kong saad ng nasa harapan ko.

Napailing nalang ako at agad na dinuko ang ulo ko.

Matapos ang buo kong klase na puro naman discussion. Except lang pala sa history namin dahil nagquiz yung Prof.

Nang makalabas ako sa room nakita kong nakasandal sina Flynn at Blaze sa gilid ng pinto.

Agad na dumako ang tingin nila sakin. “Train tayo guys.” aya ni Flynn.

Bored na tiningnan ko siya at inilingan hanggang sa magsimula na kaming naglakad. “Ayaw ko. Tsaka wala naman akong balak na manalo eh.” walang ganang sagot ko sakanya.

Inakbayan ako ni Blaze kaya binalingan ko siya ng tingin. “Ikaw? Hindi ka mag-eensayo?” tanong ko sakanya na nakakuha naman ako ng iling bilang sagot.

“Ako na nga lang ako mag-eensayo. Baka sasakyan ‘yung prize.” sambit ni Flynn at sinulyapan si Blaze.

Ngumisi ako dahil pakiramdam ko ay kuminang ang mata ni Blaze. “Fine! Count me in too. Nakuha mo ako d'on ah.” saad nito kaya malakas na napangisi si Flynn at kinindatan ako.

“How about you little demon? I see that you don’t have any plans at all.” pagsasali na naman nito sa’kin sa usapan.

“Kung lalamon lang at hihiga meron naman. Pero kapag healthy lifestyle ang pag-uusapan pass ako diyan.” sagot ko sakanya.

Napanguso siya sa sinagot ko. “Kaya ang taba-taba mo na.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Excuse me mister. Last time I checked my vitals are 34-24-34.” nakataas kilay kong saad sakanya. Kung makapagsabi naman ‘to!

Ngumisi silang dalawa ni Flynn sakin.

“Last time you checked Kath. Kaya ngayon siguro 36-30-39 kana.”

Halos sumabog ako sa inis sa inasar ni Flynn sakin. “Aba't—” akmang pipingutin ko siya ng mabilis siyang tumakbo papalayo.

Inis na sinundan ko siya. Maghanda ka Flynn hinding-hindi kita titigilan hanggat hindi namumula ang taenga mo.

“Flynn Brooks! Get your ass in here!”

Blue Academy: The Dominant PrinceOnde as histórias ganham vida. Descobre agora