Random Stories (Parts 1 & 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

2.) Shell West *****

Hi mga boss dyan kung tanda nyo pa si Donut hehehe pag nabasa nyo ito, ako ito hahaha. Pahinante ni pulang multi cab.

Eto naman ay pang walong shop na mga bandang 3:00am dahil drop at mga Shell na ang deliver after nung sa nakakatakot na shop, pero nakakatakot din dito hahaha alam ito ng mga crew at pump attendant na may mumu sa Select Store na yon.

Fast forward. Sa magkaibang araw,
nawalan na noon ng panggabi kaya tanging mga pump attendant o di kaya nama'y visor na ang nagre-receive ng deliver dito. Habang pababa sa sasakyan ay napansin ko na ang isang pump attendant sa loob na nag-aayos ng toys race track, ngunit malabo ang kanyang itsurang nakayuko dahil na din siguro malabo at antok na rin ako noon, pagbaba ko ay agad kong kinuha ang DR (delivery receipt) at donut sa loob ng multi cab (box type mini truck style) at pagpasok ko noon sa store ay nagtungo ako sa kinalalagyan ng lalaki at iaabot ko sana ang DR ng biglang bumukas ang pintuan di kalayuan sa aking likuran at napalingon ako dito.

P.A : Boss, akina yung DR!
Ako : Ilaw na Boss?
P.A : Oo, Boss.

At aking nilingon ulit ang kinalalagyan ng lalaking aking nakita (kinikilabutan na po ako p*ta) ngunit wala na ito.

Ako: Boss, nasaan na yung kasama mo?
P.A : Nasa labas Boss!
Ako : Eeee (di ko na tinuloy)

Sinilip ko nalang ito para makasigurado pero wala talaga akong nakitang tao.

May time din na pag nilingon mo yung monitor ng CCTV sa may bandang taas ay makikita mong may nakatayo sa likuran at minsan yabag ng paa sa storage nila kahit wala namang tao doon.

Hanggang dito na muna, susunod ko dito ang experience ko sa LRT Muñoz elevator at Congressional Road.

Hindi madaling bumiyahe hahaha nakakaantok at higit sa lahat nakakatakot lalo't drop lang ng drop, kasi no choice ka, ikaw talaga ang nagbubukas ng shop.

Maraming salamat po sa inyong lahat sa mga taga basa at patuloy na sumusulat sa spookify.

Fyi, huwag kayong magtaka minsan kung pangit ang kwento dahil di naman po totoong mga writer kaming mga nagse-send dito, hindi rin po namin pinipilit na maniwala kayo.

Taimtim nalang po na magbasa at libre naman po. Yun lang po God bless po sa inyo.

Part 2

3.) Congressional Road

Maraming salamat admin chai sa pag-edit hehehe pasensya na din dun sa mga taga basa kung medyo naguluhan kayo.

Gusto ko lang talagang magkwento para naman kahit papaano ay may nagagawa ako.

At boss salamat sa paalala, Opo palagi akong nakakakita tuwing nasa biyahe o habang nasa trabaho kami, normal na sakin boss. Maraming salamat pa rin at God bless.

-----------

Hi po ulit at magandang umaga/hapon/gabi, kung anong oras man po kayo nagbabasa para sa mga perpekto.

Dahil set A, para sakin, ito yung pinaka-badtrip, umaga na kasi kami nakakauwi sa dami ng shop na dine-deliver-an.

Fast foward. Pagkatapos naming mag-drop sa Caltex Congressional Road, babaybayin na namin ang kahabaan nito papuntang Road 8.

Medyo malayo at madilim dahil ang mga poste sa gitna ng kalsada (maliit na island kumbaga nagsisilbing barrier sa gitna) ay walang ilaw at madaming puno, kung meron man malabo para lang yata sa gamo-gamo yon.

Habang ang aking tatay ay abala sa pagmananeho ako naman ay abala sa pakikinig sa mga kanta ni Shanti Dope.

Sa likuran ay may mixer na truck na mabilis ang takbo kaya't bahagyang iniiwas ng aking tatay ang aming sasakyan para paunahin dahil mabilis ito.Pinatay ko muna ang tugtog ng aking cellphone para makipagkwentuhan kay tatay.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon