Compiled Stories 5p

Começar do início
                                    

One night, natutulog na po ako nun sa kwarto ko. I always left my window open dahil summer at mainit kahit may electric fan. Walang pinto ang kwarto ko, kurtina lang, tapos pinto na agad ng bahay. Pero that night itinali ko ang kurtina kaya kitang-kita mula sa higaan ko yung pinto. Mga 2am yun nang bigla akong magising. Di ko alam kung bakit, di naman ako nawiwi or nauuhaw. Basta bigla akong nagising. At unang nakita ko yung pinto. May nahagip kasi ang mata ko na puting dumaan. Ewan ko kung namalikmata lang ako or what. Di ako natakot pero napaisip ako dahil wala namang daan dun sa way na diniretsuhan ng white something na yun. Hindi ko nalang pinansin at nahiga ako ulit. Nagtalukbong ako ng kumot. Mannerism ko lang talaga para makatulog. Pero di pa man tumatagal ng ilang minuto biglang bumigat ang pakiramdam ko. Medyo nahirapan akong huminga. Feeling ko may nakapatong sakin. I closed my eyes. At napadiretso ang higa ko. Hinawakan ko din ng sobrang higpit ang kumot ko. Pero sa gulat ko bigla nalang natanggal ang kumot sa kamay ko at napunta sa paanan ko. Hindi ako kumikilos nun at masyado mahigpit ang kapit ko para matangay ng hangin ng electric fan. Mas kumabog ang dibdib ko. Pero naglakas loob akong idilat ang ang mata ko. At dalawang pares ng matang pulang pula ang sumalubong sakin. Halos maiyak ako at sumigaw pero parang naestatwa ako.

Pumikit ako ulit. Tas biglang kumirot ang dibdib ko na parang may kumalmot or what. Pagdilat ko wala na yung nakita ko. Agad akong tumayo at sinara ang bintana at binaba yung kurtina at pilit akong natulog ulit.
Kinabukasan, di ko sinabi sa parents ko yun. At may nakita din akong sugat sa dibdib ko na parang kalmot. Hanggang ngayon, kita pa rin yung pilat. At hanggang ngayon di ko alam kung ano yung nakita ko.

Kaya sa mga nakatalukbong diyan habang nagbabasa, baka pagtanggal nyo ng kumot makita nyo rin yun.

Silverstone

666?

Hello Spookify! Gusto ko lang i-share ang experience namin ng pamilya na hindi namin malilimutan kailanman. Nag-umpisa lahat ng ito nung lumipat kami sa bago naming bahay. Pang-anim na lipat bahay na namin that time. Hindi ko nalang sasabihin kung bakit palipat-lipat kami.

Una, ako lang ang naka-experience. Ako lang mag-isa sa kwarto, nakapatay ang ilaw kapag natutulog ako mayroon lang dalawang maliit na ilaw sa gawing ulunan ko kaya kahit papaano may konting liwanag. Madaling araw ng magising ako dahil sa ingay ng TV, yung monitor/screen nya ay yung kapag walang signal. Ang lakas pa ng volume. Buti nalang at nasa gilid ko lang ang remote kaya kinuha ko agad. Pagpatay ko ng TV, kitang-kita ko yung reflection sa TV. Ako na nakahiga at babae na parang madre na nakatayo sa gilid ng kama at nakaharap sakin. Napako ako sa pagkakatingin sa TV at hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa sobrang takot na naramdaman ko. Sumigaw nalang ako ng sumigaw para magising sila mama at ang mga kapatid ko. Wala pang kalahating minuto, nagmamadaling pumasok at sya na rin pagbukas ng ilaw ni mama at papa. Nadatnan nila ako na nakaupo sa kama at iyak ng iyak. Sa kwarto na nila mama ako natulog at doon ko sinabi ang nakita ko. Pinasinungalingan naman nila papa sa dalawang kapatid ko ang dahilan kung bakit ako umiiyak para hindi sila matakot. Sila si Marie (bunso) at Jon (panganay), hindi nila mga tunay na pangalan.

Ilang buwan lang ang lumipas nag-6th birthday si Marie. Hindi na sya naghanda ng marami dahil may pasok non at malayo din ang mga kamag-anak namin. Gabi na din kami nakapagsalo-salo. Sinindihan ang posporo at inilawan ang kandila sa ibabaw ng cake. Habang buhat ni papa kinakantahan namin si Marie. Pagtapos kantahan ang tagal hinihipan ni Marie yung kandila pero ayaw mamatay-matay ng apoy, sila mama naman tuwang-tuwa. Habang ako at si Manang (katulong namin) pini-picture-an at bini-video si Marie. Ako yung sa video at si Manang sa picture. Natapos na ang salu-salo at pumunta na kami sa kanya-kanyang kwarto para magpahinga. Habang nagkahiga at nagse-cellphone ako sa kwarto biglang kumatok sila mama. Pinalabas nila ako at isinama sa kwarto nila, wala akong idea non kung bakit. Pinaupo nila ko sa gilid ng kama at pinagitnaan nila ni papa.

Scary Stories 5Onde histórias criam vida. Descubra agora