chapter 51 : Muntik Na

Start from the beginning
                                    

Hayy buti uwian na. Nakakapagod ang araw na to e. Ka stress.

Saamin parin dumeretso si Christian kasi wala naman daw tao sa bahay nila.

" Bihis lang ako ha. Nood ka lang jan. " sabi ko sakanya

Um-oo naman siya. Naglalaro kasi siya ng dota e. nag download ba naman sa computer ko.

Pagkatapos kong magbihis eh nahiga ako sa kama ko inabot ko yung lays. Kumain ako ng kumain. Habang si Christian busy sa paglalaro. Naka uniform pa nga e.

" Hoy mag bihis ka muna. " sabi ko

" Wait lang beb , dota lang ako " sabi niya

" Hayy sige. Pagkatapos mo dyan mag bihis ka na ha " tumango na lang siya saakin

Nanood na lang ako ng American Horror Story.

Ilang minuto din bago siya tumigil mag laro " tapos na ako mag laro. Bihis lang ako " sabi niya saakin.

" Sige " sagot ko

Habang kumakain ako may biglang tumawag saakin.

Ako: Hello?
Siya: Baby!
Ako: Baby Caitlin?
Siya: Yes! Ako nga. Iba na number ko. Kamusta baby?
Ako: Waah ikaw nga. Okay lang ako baby. ikaw? Miss you na baby
Siya: Okay lang din ako. Bisita ako dyan minsan. Miss you more baby. I love you baby
Ako: I love you ba--

" Sino yan ha?! " naka kunot yung noo niya habang hawak yung bag niya

" Si ano--- " pinutol niya ang sasabihin ko

" Sino yun? Sino yung baby na yun? May iba ka na ba? lumalandi ka ba sa iba ha? " lumapit siya sa kama ko.

Grabe naman siya makapag salita. Ayaw niya kasi ako pagsalitain eh!

Umupo siya sa kama ko at nasa harap ko siya ngayon. Hinawakan niya ang bewang ko. Nilapit niya ang labi niya sa labi ko.

Para bang first time niya lang makahalik. Yung halik niya kakaiba. Hindi ito yung gusto kong halik. Hindi ito yung halik na puno ng love eto yung halik na puno ng pagka obssessed sa isang tao.

Inihiga niya ako. Para bang gutom na gutom siya sa halik niya ngayon

" Hmppp Chri--- t-tama na!!! " umiiyak kong sigaw.

" Hindi! Akin ka lang samantha akin ka lang! " Hinalikan niya ulit ako at unti unti hinuhulog ang strap ng bra ko sa balikat ko. Pati ang t-shirt ko.

" T-tama na p-please " umiiyak ko.

Hinalikan niya ako sa leeg. " T-t-tama na!!! "

" R-rape! "

" Please tama na "

" Christian! hindi pa ito yung t-tamang oras please p-please "

" Kapag sinabi kong akin ka AKIN KA LANG! "

" WALANG PWEDENG UMAGAW SAYO! "

" WALANG PWEDENG LUMANDI SAYO! "

" AKO LANG! AKO LANG! "

pinagpatuloy niya parin ang paghalik sa leeg ko. Hindi na tama ito. kaunti na lang ay mapupunit na ang damit ko.

" Mahal kita! " Sabi niya

" h-hindi mo ako m-mahal. Ob-ob-ssessed ka saakin " umiiyak kong sabi. Pinagpapalo ko siya

" T-tama na!" patuloy ko siyang sinipa at pinalo.

Bigla siyang tumigil sa ginawa niya. Nanlaki ang mata niya. Nagulat siya sa nakita niya. Punit na ang damit ko. Gulo gulo ang buhok.

" Sorry! sorry! sorry! " - sabi niya at niyakap ako.

Patuloy parin ako sa pag iyak.

" Sorry , beb " - sinusubukan kong maka layo sakanya. Hindi ko mapigilan ang pag iyak ko sa sobrang galit ko. Naiinis ako.

" Ayoko lang na may tumatawag sayo na baby. Nagseselos ako! yun lang! " Christian

" Sorry " sabi niya

Medyo lumuwag ang pagkakayakap niya saakin at kiniss ako. Tinulak ko siya

" Walang hiya ka! Muntik mo na akong rape-in. Ay hindi pala nirerape mo na ako! " pagkasabi ko nun ay tumakbo ako sa cr ay nilock ang pinto.

Dun ako umiyak ng umiyak.

Naramdaman kong kumakatok siya " sorry hindi ko sinasadya "

Sorry?

" Sorry? nagawa mo na eh!!! akala ko iba ka sakanila. Pero ano? rerape-in mo pa ang sarili mong girlfriend? Dahil nagseselos ka? "

" Please christian , umalis ka muna. Lumayo ka muna saakin. Siguro gulong gulo ang utak mo ngayon kaya mo saakin nagawa to. "

" Please umalis ka muna , kailangan ko munang mapag isa. Kahit ngayon lang "


CHRISTIAN's POV

Anong kagaguhan na naman ang nagawa ko? Napaka gago ko talaga!

Muntik ko nang ma rape yung girlfriend ko.

P*********** ano na naman to Christian? Gago mo talaga!

Paano kung makipag break siya saakin? Hindi , hindi ko kaya.

Bakit ba kasi ganito ako kapag nagseselos? nagiging obssessed.

Hindi ko mapigilang umiyak.

Umalis muna ako sa bahay nila Samantha.

Sorry sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nagawa ko yun sayo. Sorry nagselos lang naman ako sa katawagan mo e.

Sorry , sorry beb.

••

A/N: OMG BAKIT NIYA KAYA YUN NAGAWA?

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now