chapter 21 : Intramurals part 1

259 10 0
                                    

A/N : MSAMers ( tawag ko sa mga nag babasa nito. Haha! ) konting kembot na lang 1k reads na siya. Ipush natin to ng todo todo. Hahaha , spread ang story ko. Salamat! <3

- Shainajovell 

--

Samantha's POV

Waaait guys ha. Nag picture kami sa classroom. Tapos etong si kumag inakbayan niya ako. Kyaaaaah. Ang bango bango niya. Huhu! kaiyak. Chos. Feeling ko kanina ng kinuhanan kami eh mukha akong kamatis sa sobrang pula. Eh kasi naman eh. May pa-akbay akbay pa tong si Christian saakin. Nakaka asar siya swear. Hahajoke.

Andito parin kami sa classroo. 8:03 am na nga eh. Hindi parin kami tinatawag. Tagal naman mag parade. Ang sabi nila mahaba haba daw ang lalakarin namin eh. Grabe lang ha. Baka naman mapagod ako niyan. Hahaha. Anyways , ang gwapo ni Christian. My gee. Naka taas yung buhok niya tapos naka jersey tapos holy molly ang bango bango niya. Nakakainis , bakit ba kasi ang gwapo gwapo niya? Huhu.

" Honesty picture tayo! lagay niyo yung dlsr sa tripod dali. " - utos ng mahadero naming adviser. Haha , si sir talaga oh. Lol!

" Ok po sir! " - tapos nilagay ni Mark ang camera sa tripod

" Ok itatimer ko lang " - sabi ni Mark

" Tagal oh. Bilis! " - panloloko ni sir hahaha. Kalog din tong adviser namin eh.

" 1 ... 2 ... 3 ... click! "

May normal kami tapos may wacky. Akala mo nga eh class picture namin. Haha!

" Sige ipapaprint ko to ha. Tapos bibigyan ko kayo okay? Libre ko na yun " - ang bait talaga ng adviser namin. The best siya promise.

" Sir , papilahin niyo na po ang mga estudyante niyo. Deretso na po tayo sa new gym " - sabi nung mga assistant chorva.

" Class fall in line outside " - adviser

" Woohoo! go Chrimantha! kaya niyo yan " - sigaw ng mga kaklase ko" 

" Go Chrimantha go Chrimantha go go go! ~ " pag kanta ng mga kaklase ko. Haha! mga loko talaga sila kahit kailan. 

--

Andito na kami ngayon sa new gym. At sympre , dahil kami ang muse & escort ni Christian andito kami sa unahan. Nakakahiya nga eh. Tapos etong si Sallie at Clarence taga picture saamin. Sila rin photographer namin haha. I mean sila laging kukuha saamin tska sa buong section namin. Hahaha! 

Tapos hawak namin ni Christian yung parang nakalagay " 3rd year Honesty Samantha Alley Uy and Christian Vincent Sy " ganon tapos may lobo pa. Haha! masyadong pangbata. Tss. 

 " Good day Shabiers. Handa na ba kayo sa ating 50th Intramurals? Bago tayo mag parade mag dasal muna tayo " 

pagkatapos namin mag dasal nag Lupang Hinirang tapos yung torch chuba yun. Yung tatakbo yung mga lalaki may hawak na apoy. Basta alam niyo na yun. For sure tuwing Intrams niyo mag ganyan din kayo. 

" Mauuna sa parade ang mga 1st year okay susundan ng 2nd year 3rd year ad 4th year " - sabi nung host. 

Tapos yun nagsimula na kaming maglakad. Nasa labas na kami ng school eh. Tapos yung mga nadadaanan namin na babae eh nag papicture pa kay Christian tapos initsyapwera ako. Kaloka. Si kumag naman tuwang tuwa. Feeling famous ang potek. Haha. Kadiri. 

" Clarence , pikturan mo kami ni Sam! " - hinila niya ako tapos dinikit niya ako sakanya tapos inakbayan niya ako tapos naka pose pa siya ng thumbs up. Ako naman ngumiti na lang. Kahiya kaya. Para lang kaming mag jowa eh. Assuming ko na naman. Hahaha!  

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now