Compiled Stories 4

Start from the beginning
                                    

Pangatlo at pinakanakakatakot. Nangyari ito sa bahay namin na mga pinoy na empleyado ng bar. Nung bandang hapon, nag-iinuman yung mga kasamahan ko sa bahay na yun kasama yung iba pang bisita na pinoy din. Then sumapit ang 8pm na kailangan na naming pumasok sa work sa bar. Then lumipas ang hanggang madaling araw na nauna akong umuwi sa mga katrabaho ko. Mga around 2am na yun dumating ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Then maya-maya habang nanunuod ako ng the 'Last Air Bender' sa cp ko, nakarinig ako ng mga maiingay na footsteps at mga tunog ng mga kasangkapan (napaisip ako kung nag-stay pa ba dun yung bisita ng mga katrabaho ko) then nag-chat ako sa isang friend ko nagtanong ako kung nasa bahay pa ba yung mga bisita nila kasi sabi ko may maingay sa kusina (tinamad na akong tumayo para i-check dahil sa antok na din ako). Nag-reply yung friend ko na oo daw nandun pa daw. Then bago ako kunin ng antok, nakarinig ulit ako ng tunog ng kinakaladkad na kadena. Yun na yung huling ala-ala ko at lumipas ang madaling araw na yun. Then the next day, kinausap ako ng friend ko na nagsinungaling daw sya. Dahil daw nakauwi na daw yung bisita nila ng maaga. Nagsinungaling nalang daw sya para daw di ako matakot. Dahil palagi na daw nila yun na-e-experience. Sanay na sila.

More power to your page and thank you kung sakaling mapo-post ito.

-Oppao from South Korea

Sniper 150

Hi spookify! Sana ma-post ito, this is my first time to send my story.

So eto na nga itago nyo nalang ako sa pangalang Jhey. Fresh pa ito sa utak ko kasi ngayong Oct 21 lang ito nangyari, Sakto 31 birthday ko na 10 days to go. So eto na nga 8:30pm pauwi na kami ni Ninz (kaibigan ko) galing sa work, may motor siya Sniper 150 kaya angkas niya ako, bale riding in tandem kami. Sakto yung time na yun sa-shot kami kaya napagdesisyunan naming dumaan dito banda sa Mindanao Avenue para mas malapit patungong Valenzuela. So ayun na nga habang tinatahak namin yung daan pasadong 9pm nandun na kami sa may stop light nang makaramdam ako ng kakaiba, ang dami pang sasakyan nung time na yun pero iba talaga yung feeling ko, alam mo yung feeling na parang ang bigat ng pakiramdam mo kahit wala kang sakit. Bandang KFC stop light, (galing kaming Circle Mall) magle-left turn na sana kami nang biglang matanaw ko ang isang motor na katulad ng motor ni Ninz, Sniper 150 rin kasing kulay din (white-red yung combination) kaya nagtaka ako kasi yung driver at yung ankas parang kami din. Nung una ayaw kong tignan kasi nga kinakabahan ako kasi di naman nakikita ni Ninz. Naka-stop kami kasi di pa naman naggi-green yung stop light. Nagulat nalang ako kasi umarangkada bigla yung sniper na yun napansin kong hindi pa naman naggi-green yung signal pero nag-primera na agad hanggang sa masalpok sila ng isang mixer truck na pasalubong nagmamadaling maka-left turn din. Kitang-kita ko mula sa aking upuan ang pagsalpok ng dalawang sakay ng motor sa mixer truck na yun halos di ako makapaniwala dahil sa nakita ko. Yung angkas ng motor nahati yung katawan sa dalawa talsikan yung dugo at yung driver naman halos hindi na makilala dahil sa sobrang lakas ng impact. Pero sobrang nabaliw ako nung makita ko yung itsura ng upper body ng nakaangkas HINDI KO AKALAING AKO YUN. Sobrang nginig na nginig ako nun hanggang sa umandar nalang kami kasi nag-green na yung signal. Nagtaka sakin si Ninz kasi biglang tahimik ako nung time na yun di ako mapalagay sa nakita ko pero ang pinagtataka ko hindi nya nakita yung pangyayaring yun. Tinapik niya ako sa bandang tiyan hanggang sa bumalik ako sa ulirat sabi nya "Hoy ba't bigla kang tahimik diyan? Kanina ang daldal-daldal mo." Nagulat ako kaya ang nasabi ko nalang sa kanya "Kuya Ninz nakita mo ba yun?" sabi niya "Anong nakita? Ang ano?" Di nalang ako nagsalita nang biglang bumigat yung motor sobrang bigat. Nagtataka si Ninz kung bakit biglang bumigat maging ako rin. Bandang Saint James na kami ng biglang may tumulo sa bandang balikat ko sobrang lamig kaya nilingon ko patalikod. Di ko na alam gagawin ko nung makita ko yung nakaangkas samin. Sarili ko na duguan yung mukha, kalahati lang yung katawan at natulo yung dugo sa balikat ko! Napasigaw ako kaya nagulat si Ninz tinabi yung motor sa gilid at tinanong ako kung bakit ako sumigaw. Kaya kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Napagdesisyunan naming huwag nalang tumuloy dahil baka yun na ang sign na may mangyayaring masama sa amin. Umuwi nalang kami ng bahay at buti nalang di ko na nakita ulit yung sarili ko. Dahil kung  mauulit-ulit yun hindi ko na kakayanin.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now